Mich Liggayu claims she's still single three years after Jam Sebastian's death

IMAGE Noel Orsal

Mich Liggayu begins posting photos of her late boyfriend Jam Sebastian on Facebook again. "Dati po, umiiwas ako na mag-post, kasi bawat post ko noon, nagiging isyu. Ngayon po, ilang taon na ang nakalipas, baka puwede ko nang i-express yung mga dapat kong i-express. Kasi dati, sinasabi nila, ginagamit ko… ganyan," she says.


Walang kakurap-kurap ang mata ni Mich Liggayu nang itanggi nitong nagkaroon siya ng karelasyon nang pumanaw noong March 4, 2015 ang kanyang fiancé na si Jam Sebastian.

I miss you everyday...

A post shared by Paolinne Michelle Liggayu (@michliggayuofficial) on


Sumikat sa YouTube ang JaMich loveteam ng dalawa noong 2011 at sinubaybayan ng publiko ang kanilang love story.

Humantong ito sa malungkot na pagwawakas nang sumakabilang-buhay si Jam dahil sa Stage 4 lung cancer.

“Career muna” ang brilliant excuse ni Mich kaya hindi pa siya nakikipagrelasyon mula nang mawala si Jam.

Hanggang ngayon, araw-araw pa rin daw niyang iniisip at inaalaala ang mga maliligayang araw nila ng namatay na boyfriend, na madalas umanong nagpaparamdam sa kanya.

I miss you everyday...

A post shared by Paolinne Michelle Liggayu (@michliggayuofficial) on


Saad ni Mich, “Nagre-reminisce pa rin ako. Binibisita ko ang Facebook niya.

"Lately po, nag-post ako sa social media.

"Dati po, umiiwas ako na mag-post, kasi bawat post ko noon, nagiging isyu.

"Ngayon po, ilang taon na ang nakalipas, baka puwede ko nang i-express yung mga dapat kong i-express.

"Kasi dati, sinasabi nila, ginagamit ko… ganyan.

"Siyempre, ilang taon kami nung tao. Parang mag-asawa na rin talaga kami.

"Seven years kaming magkarelasyon, 'tapos ngayong May 10, ten years na dapat kami."

Dumanas daw ng depression si Mich nang bawian ng buhay si Jam.

Nag-propose noon si Mich ng kasal kay Jam, pero hindi natuloy ang pagpapakasal nila dahil ang respective career ang kanilang priority noon.

Minsan, naiisip ni Mich na nagkaroon sana sila ng anak na makapagpapasaya sa kanya sa tuwing nami-miss niya si Jam.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mich sa premiere ng pelikulang My 2 Mommies, sa SM Megamall, Lunes ng gabi, May 7.

ISSUE WITH JAM'S MOTHER. Nang mawala si Jam, nagkaroon ng isyu sa pera sa pagitan ng kanyang ina na si Maricar Fernando at ni Mich.

Sinabi ni Mich na hindi pa sila nagkikita at nagkakausap ni Maricar pagkatapos ng kanilang well-publicized "ugly fight."

"Ako, okey lang po," ang sagot ni Mich nang itanong ng PEP.ph ang magiging reaksiyon niya kung sakaling magkaroon sila ng chance encounter ng ina ni Jam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan po, napapanaginipan ko siya na parang sinusundo ko siya, kasi yun talaga ang lagi kong iniisip.

"Ayokong magtanim ng sama ng loob kahit kanino. Sinasabi ko nga sa friends ni Jam na nakakausap ko na sana nga, in time, maging okey din.

“Hindi rin naman magugustuhan ni Jam kung may ganyang nangyayari.

"Mahirap kapag may kaaway ka, mabigat sa pakiramdam," sabi pa ni Mich.

Sinabi ni Mich na naayos na ang problema nila ni Maricar dahil ibinigay niya ang kalahati ng pera ni Jam na hiningi ng ina nito.

Si Dondon Monteverde na ang namamahala sa showbiz career ni Mich kaya pumirma ito ng kontrata sa Regal Entertainment, Inc.

Ang My 2 Mommies ang unang project ni Mich bilang Regal baby.

Sa tulong ng Regal, umaasa ang 27-year-old YouTube sensation na magiging masigla ang takbo ng showbiz career niya.


Stories We Are Tracking

<p>Jam Sebastian dies after being taken off life support</p&g

Jam Sebastian dies after being taken off life support

<p>New singer Neo Domingo: Mich Liggayu is just a friend</p&g

New singer Neo Domingo: Mich Liggayu is just a friend

<p>Jam Sebastian’s mom on Mich:

Jam Sebastian’s mom on Mich: "Pinagkakakitaan n

<p>Mich Liggayu defends self from Jam Sebastian’s mom<

Mich Liggayu defends self from Jam Sebastian’s mom<



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN