Joross Gamboa admits bad-boy image before settling down: "Akala nila lahat magdi-D.O.M. ako."

IMAGE Instagram @joross_gamboa

Ang Mga Mister Ni Rosario star Joross Gamboa on being a family man: "Ngayon, diretso uwi bahay. Hindi ako gumigimik. Wala na akong bisyo. Hindi na ako umiinom, hindi na ako nagyoyosi. Focus ko, family."


Aminado si Joross Gamboa, 33, na dumaan siya sa pagrerebelde nang maging “happy-go-lucky” at “pabling” siya noong kabataan niya.

Kaya naging isyu raw minsan ang selosan sa kanila ng misis niyang si Katz Saga noong magkasintahan pa lang sila.

Pitong taon silang naging magkasintahan at tatlong taon na silang kasal ni Katz ngayon.

Balik-tanaw ni Joross, “Dati issue, kasi medyo pabling ako dati. Yun yung sinasabi ko na happy-go-lucky ako.

“Ngayon, diretso uwi bahay. Hindi ako gumigimik.

"Wala na akong bisyo. Hindi na ako umiinom, hindi na ako nagyoyosi.

“Focus ko, family. Hindi issue sa amin ang selosan.”

Natatawang naalala rin ni Joross na marami sa mga kaibigan niya ang nagulat nang nagdesisyon siyang lumagay sa tahimik noong November 29, 2014.

Sa sobrang pagka-pabling daw niya kasi ay binibiro siya ng mga itong tatanda siyang "D.O.M." o dirty old man.

Kuwento ni Joross, “Sa akin nga sila nagulat nung sinabi ko magpapakasal ako, akala nila lahat magdi-D.O.M. ako.

“Kasi may image ako.

“Tinawagan ko sila, e. ‘Guys, una na ako, ha?’ Yun ang linya ko. ‘Anong ibig mo sabihin?’

“Akala mo magsu-suicide. Sabi ko, ‘Magpapakasal na ako.’

"'Tapos walang naniniwala. Ayun, nagpakasal."

Ibinahagi rin ni Joross na ang pagiging malapit nila sa Diyos ni Katz ang sikreto upang malampasan nila ang anumang pagsubok na pinagdadaanan ng kanilang pamilya.

“Kami? Marami rin kaming trials.

"Sampung taon na kami ng asawa ko, e. Pero three years pa lang kaming married.

“Maraming challenges, pero we can do all things through Christ who gives strength.”

Dalawang taong gulang na ang panganay nilang si Jace Kyler at 11 months old naman ang bunsong si John Kody.

Plano ba nila ni Katz na sundan agad ang kanilang baby?

Nakangiting sagot ni Joross, “Gusto ko pa ng isa. Pero sabi niya, ‘Sige, why not? Ikaw manganak.’

“Sa akin na lang daw lumabas yung bata. Kasi kapapanganak lang niya, gusto ko na naman siya buntisin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross pagkatapos ng presscon proper para sa pinagbibidahan niyang CineFilipino Film Festival entry na Ang Mga Mister Ni Rosario.

Ginanap ang presscon sa Max’s Restaurant sa Quezon City noong Biyernes, May 4.

AVOIDING BURNOUT. Dito ay natanong din namin si Joross hinggil sa burnout at depression issue na pinagdadaanan ng ilang showbiz personalities ngayon.

Ayon kay Joross, hindi naging isyu sa kanya ang depresyon dahil likas siyang masiyahin sa likod o harap man ng kamera.

Mas kontrolado na rin daw niya kung paano iwasang mapagod sa trabaho.

“Ngayon, marunong na ako tumanggi. Dati, tanggap ka lang nang tanggap.

"Pero ngayon, mamimili ka na. May discernment ka na."

Paano niya naha-handle ang pressure sa artista na maging perpekto ang image?

Sagot ni Joross, “Una, hindi mo kayang maging perpekto.

"Pangalawa, magagawa mo lang closest to perfection kapag sinunod mo lang yung utos ng Diyos.

“And actually, masyado man passé pakinggan, paulit-ulit, pero kapag nandun ka na sa path ni God, ang dali na lang lahat.

"Hindi ka na mamu-move ng situation, itong worldly things."

EVER FLEETING HAPPINESS. Mahalaga rin daw na huwag magpadala sa mga bagay na panandalian lang, 'tulad ng kasiyahan o kasikatan.

“Dati kasi naghahanap ka lang ng happiness.

"Happiness, base lang ‘yan sa mga happenings.

"Birthday mo ngayon, masaya ka, bukas hindi na.

“Masaya ka ngayon kasi may show ka, kapag wala na, malungkot ka na.

“Masaya ka ngayon dahil buhay family mo, paano kapag nawala?

“Hindi kasi permanente lahat ng bagay sa mundo.

“Kailangan natin joy from within, at nakukuha lang yun sa Diyos.

"At ang joy, hindi nagagalaw kahit ng anong circumstance or situation dito sa mundo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN