Morissette Amon speaks up on accusation against her involving Sarah Geronimo

IMAGE Instagram

Morissette Amon (in photo) breaks her silence on accusation that she and Angeline Quinto made fun of Sarah Geronimo's breakdown in Las Vegas. "For somebody to give this issue na [kahit] kami [ay] in the same nature of work, pinagtatawanan namin yun, parang it's wrong in all angles. Parang it does not make sense [na pagtawanan namin]," says Morissette.


Inulan ng pamba-bash sina Angeline Quinto at Morissette Amon nitong mga nakalipas na araw nang madawit sila sa breakdown ng kapwa Kapamilya singer nilang si Sarah Geronimo sa second leg ng THIS I5 ME concert tour nito sa Las Vegas, Nevada, USA. 

Ito ay nang lumabas ang balitang mayroon daw video kung saan pinagtatawanan nina Angeline at Morissette si Sarah.

Tinawag pa raw nilang "pabebe" ang Popstar Royalty dahil sa nangyari.

Inalmahan ito ni Angeline, at nagpa-blotter pa sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police (PNP) ukol sa pagbabanta ng isang netizen laban sa kanyang ina-inahan na si Mama Bob. 


Stories We Are Tracking

Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline accused by Sarah fans of mocking their idol
Angeline slams alleged Sarah fan for threatening her
Angeline slams alleged Sarah fan for threatening her
Sarah Geronimo apologizes to Angeline Quinto
Sarah Geronimo apologizes to Angeline Quinto
Angeline, Morissette mull filing complaint against bashers
Angeline, Morissette mull filing complaint against bashers

Ngayon naman ay naglabas na rin ng kanyang pahayag si Morissette.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Morissette sa 8th Studios kahapon, May 7, sa rehearsals niya para sa kanyang Mother's Day concert na The Exceptional Morissette Live in Laguna. 

Dito ay sinabi ni Morissette na ikinalungkot niya ang nangyari. 

Aniya, "Ang masasabi ko lang, nalungkot lang talaga ako na ang daming naniwala agad dun sa rumor na yun, sa issue na yun.

"Ang sad lang talaga na ang daming umatake sa amin, 'tapos ang daming nadamay, hindi lang si Tiyang Amy [Perez].

"Of course, si Angeline, kaming dalawa yung naging victim dun sa pag-bash nila.

"I heard nadamay din si Miss Toni Gonzaga. Sabi ko, 'Why?'"

Patuloy ng singer, “I just feel bad also for Ate Sarah sa States, kasi parang feeling ko, if she knew about it, dagdag pa yung problema sa kanya.

"Pero we talked it over naman, kami ni Angge [palayaw ni Angeline], nag-uusap kami.

"Angge tweeted, e, she’s vocal in social media about it.

"Ako, I chose to be silent lang about it, kasi I don’t want to make the issue bigger na biglang naging bigger naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I thank Angge pa rin for defending not herself lang but for me as well.

"Of course, both of our management, we talked it over, how to deal with the situation.

"Sana maging okay lahat.”

MY CONSCIENCE IS CLEAR. Naghamon si Angeline na ilabas ang sinasabing video, at sang-ayon din dito si Morissette. 

“Kung may malabas sila, ipalabas nila,” sabi niya.

“Pero my conscience is clear, walang nangyaring ganun sa akin.

“I don’t know kung ano ang mahanap nila.”

Ayon kay Morissette, pinag-aaralan din nila kung dapat ba silang magsampa ng kaso.

Sa tweet kasi ng netizen, na burado na ngayon, idinamay nito ang parehong mga ina nina Angeline at Morissette.

Lahad ng huli, “Unang-una, I’m so sad, yung lahat ng sinabi sa amin.

“I also read the papers 'cause I checked out the profile of that person, sobrang nakaka-sad lang na ganun siya mag-isip.

"Wala na siguro siyang magawa sa buhay.

"Siguro may mga ganun lang talagang tao, pag-pray na lang natin for enlightenment.

“In our team, pinag-usapan na rin namin with our lawyer.

“That’s something to be discussed, we found the source din. It’s probably on that person.”

THE MENTOR. Mentor ni Morissette si Sarah nang sumali siya sa The Voice Philippines noong 2013, at mula noon ay very vocal siyang idolo niya ang Pop Royalty.

Pagkukuwento sa amin ng singer, nasaktan siya sa nakitang pagbi-breakdown ng dating mentor sa Las Vegas concert nito.

Aniya, “Sobra, ang sakit sa akin na panoorin  si Ate na napagod, yung sinasabi niya na she feels empty.

"Of course, bilang isang fan talaga, I also understand it kasi it’s [in] our nature of work na minsan we really have to give our all for the audience.

"For somebody to give this issue na [kahit] kami [ay] in the same nature of work, pinagtatawanan namin yun, parang it’s wrong in all angles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang it does not make sense [na pagtawanan namin]."

Patuloy ni Morissette, “Hopefully it will all die down na and we’ll be okay.

"Kami naman, kaming tatlo, we’re very, very okay.”

Ayon kay Angeline, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Sarah na humihingi ng dispensa dahil sa nangyayari.

Tinanong ng PEP.ph si Morissette kung tumawag o nagpahatid na rin ba ng mensahe sa kanya ang dating The Voice mentor.

Sagot niya, “On my part, walang nakaabot sa akin, pero I’m sure naman we all sympathize for each other.”

FOCUSING ON PROJECTS. Tuloy-tuloy naman ang trabaho ni Morissette sa kabila ng isyung ipinupukol sa kanya.

Kasunod ng pagiging viral ng ibinigay na standing ovation sa kanya sa Asia Song Festival sa Korea last year, may bagong development na ibinalita sa amin ang singer. 

Aniya, “From Asia Song Festival, they chose me to be to be able to be the first Filipino artist na magkaroon ng V Live, the very first V Live account.

"It’s like YouTube, but exclusively in Korea.

"They’ll be doing content for that, maybe hopefully babalik ako sa Korea soon to do another set dun sa Asia Song Festival.

"All around—mga songs, performances, mga behind the scenes, ganun yung content namin.”

Ang The Exceptional Morissette Live in Laguna ay magaganap sa May 12, sa Alonte Sports Complex sa Biñan.

Ang nasabing concert ay tribute sa mga ina para sa Mother’s Day sa May 13.

Kuwento niya, “Preparations for the concert started last month pa, pero ngayon officially with the band.

“Challenge din pala sa akin ang concert na ito, it’s very different for me.

“Challenge for me kasi its very emotional, it’s going to be, like, a tribute bilang isang anak to my mom.

“It’s my Mother’s Day concert for everybody, that’s how different it is for me.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Morissette, “I also try to be hands on, may sentimental meaning para sa akin, like mga songs na pinapakinggan ko with my mom before, mga dinu-duet namin before, gaano ka-intimate.

“To be able to go back to those songs ngayon, brings back so many memories, kaya nung rehearsals pa lang, 'Oh no, challenge ito pero kaya ‘yan.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN