Ellen Adarna still mum on demand for her to make a public apology; posts pedicure photos on IG

IMAGE Noel Orsal

Hindi pa tumutugon si Ellen Adarna sa panawagan ng ina ng netizen na kanyang tinawag na paparazza na mag-public apology. Mayroon lamang limang araw si Ellen, at kung hindi niya ito magawa ay posibleng maharap siya sa pormal na reklamo.


Hindi pa sinasagot ni Ellen Adarna ang open letter ng ina ng teenager na inakusahan niyang paparazza.

Pero ngayong Martes ng hapons, May 8, dalawang magkasunod na videos ang in-upload ng sexy star sa kanyang Instagram Stories.

Tanging nilagay niyang caption ay “Wait for it…” kung saan naka-tag ang nail salon kung saan siya nagpa-pedicure.



Kagabi, May 7, hiniling ni Myra Santos—ina ng teenager na inakusahan ni Ellen na patagong kinuhanan siya at ang partner na si John Lloyd Cruz habang kumakain sila sa isang ramen restaurant—na magbigay ng public apology ang sexy star sa kanyang anak.

Ito ay matapos i-post ni Ellen sa kanyang Instagram ang mukha ng 17-anyos na si Eleila Santos at akusahang paparazza.

Binigyan lamang ni Myra at ng kanyang abugado si Ellen ng limang araw.

Kung hindi raw ito gagawin ng sexy star, posibleng sampahan nila ng pormal na reklamo si Ellen.


Stories We Are Tracking

Teenager's family demands public apology from Ellen Adarna
Teenager's family demands public apology from Ellen Adarna
Mom of teen netizen claims her daughter does not know Ellen
Mom of teen netizen claims her daughter does not know Ellen
Ellen makes
Ellen makes "patol" to netizen for secretly taking videos
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna get back at paparazzi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN