Bea Alonzo breaks silence on Gerald Anderson; confirms she is "technically" single

IMAGE Nerisa Almo

Bea Alonzo finally reveals that she and Gerald Anderson are not in a relationship at the moment.


Diretsang sinagot ni Bea Alonzo ang tanong kung sila pa ba ni Gerald Anderson.

Ito ay sa gitna ng usap-usapang tuluyan na nilang winakasan ang kanilang relasyon.

“Hindi sa ngayon,” maiksing sagot ng 30-anyos na aktres sa interview sa kanya ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe sa presscon ng pelikulang Kasal ngayong Martes, May 8. 

May pahabol na tanong kung single ngayon ang aktres.

Tugon ni Bea, “Technically.

“But, of course, we’re talking. We’re okay.” 

Nag-side comment ang co-star ni Bea na si Paulo Avelino, “Parang ang gulo. Joke lang!”

Sagot naman dito ni Bea, “Magulo talaga kaya huwag niyong intindihin. Bakit ba? Akin yun, e.”

March 21, 2018 nang maiulat ang pag-unfollow ni Bea kay Gerald sa Instagram.

Lumabas ang espekulasyong may pinagdadaanan ang relasyon ng dalawa, at may kinalaman dito si Pia Wurtzbach, ang leading lady ni Gerald sa pelikulang My Perfect You.

In-unfollow rin ni Bea si Pia.


Stories We Are Tracking

Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea Alonzo unfollows Gerald and Pia on Instagram
Bea's hair stylist alludes to 'malalandi at babaero' on IG
Bea's hair stylist alludes to 'malalandi at babaero' on IG

Makalipas ang higit isang linggo, muling nag-follow si Bea kay Gerald sa Instagram.

Pagkalipas ng ilang araw, na-interview si Gerald at tinanong kung may pinagdadaanan ang relasyon nila ni Bea.

Sinabi ng aktor na nagkaroon sila ng “simple misunderstanding” ngunit naayos na nila ito.

“It was a simple misunderstanding.

"Naayos po namin personally, and yun po yung importante, to move on from this," pahayag ng aktor.


Stories We Are Tracking

Gerald and Bea settle
Gerald and Bea settle "simple misunderstanding"
Bea Alonzo and Gerald Anderson together in London?
Bea Alonzo and Gerald Anderson together in London?
Bea follows Gerald on IG after rumored breakup
Bea follows Gerald on IG after rumored breakup
Gerald Anderson defends Bea Alonzo against bashers
Gerald Anderson defends Bea Alonzo against bashers


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN