Kean Cipriano in hot seat over past romances with Arci Muñoz, Alex Gonzaga

IMAGE Instagram @ramonathornes @kean @cathygonzaga

Kean Cipriano (center) sets record straight on past romances with Arci Muñoz (left) and Alex Gonzaga (right).


Sorpresang napaamin si Kian Cipriano na naging magkarelasyon sila ni Arci Muñoz noon.

Ito ay matapos siyang pilit tanungin ni Alex Gonzaga kung bakit alam ng singer ang tunay na pangalan ni Arci na Ramona Thornes sa episode ng I Can See Your Voice noong Sabado, May 6. 

Lalong nagpakuwela ng eksena ang panunukso kay Alex Gonzaga, na diumano’y lihim na nakarelasyon ni Kean noong pareho pa silang nasa TV5.

Sina Kean at Alex ay parehong SINGvestigators sa I Can See Your Voice.

Nagsimula ang lahat nang pansinsin ng isa pang SINGvestigator na si Wacky Kiray ang "koneksiyon" sa pagitan nina Arci, Kean, at Alex. 

Tinukso pa ni Wacky na parehong "ex" nina Arci at Alex si Kean. 

Kontra ni Alex, "Hindi ko ex si Kean!" 

Nakadagdag sa tuksuhan ng grupo nang tawagin ni Kean si Arci sa palayaw nitong “Mona.”

Biglang hirit ni Alex, “Monaaa?! Arci ang kilala namin. Bakit alam mo ang Mona?”

Depensa ni Arci kay Kean, “Tawag rin sa akin yun ni Luis—Mona.”

Ngunit imbes na kampihan si Arci ay nangantiyaw rin ang I Can See Your Voice host na si Luis Manzano.

Sabi ni Luis kay Arci, “Pero hindi naman tayo nagmahalan! Iba naman yun!”

Sandaling natigil ang tuksuhan sa studio, ngunit maya-maya pa ay inalaska muli ni Luis ang kaibigang si Alex.

Ito ay upang palabasin na minsang nagkaroon ng espesyal na pagtitinginan sina Alex at Kean.

Sabi ni Luis kay Alex, “Tanong ko lang. Nung sabi kasi ni Kian, Mona… Ikaw yung unang-unang nag-react. Nung gumanun ka ba, nakaramdam ka ba ng konting selos?”

Mariing sagot ni Alex, “Wala!”

Hirit ulit ni Luis, “Hindi, kasi sabi ni Kian, ‘Mona…’ Sabi mo, ‘Monaaa?!’”

KEAN'S REVELATION. Hindi sinagot ni Alex ang panunukso ni Luis at binalingan na lang si Kean.

Pahayag ni Alex, “May trivia ako sa inyo. Alam niyo ba si Arci kaklase ko nung second year high school kami?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ramona ang pangalan niya. Pero ako lang ang nakakaalam na Ramona siya. Pero pa’no nalaman ni Kean?”

Walang gatol na sagot ni Kean, “Siyempre, ex ko siya, e!”

Natatawang sinegundahan ito ni Arci, “Siyempre! Bago pa maging Arci yun!”

UNOFFICIAL ROMANCE? Pero hindi nakaligtas si Alex sa pambubuska ni Wacky. 

Tanong ni Wacky kay Kean, “Kung Mona ang tawag mo kay Arci nung kayo? Nung kayo ni Alex, anong tawag mo sa kanya?”

Depensa ni Kean, “Tawag ko sa kanya Cathy. Pero sa kanya rin naman galing. Di naman naging kami, e.”

Hirit ni Alex, “O, kita mo na!”

Aminado si Alex na naging malapit silang magkaibigan ni Kean at “kilig na kilig” siya kapag “kinikindatan” siya ng singer sa mga gigs nito noon.

Pero hindi raw umabot sa puntong nagsabihan sila ng “I love you” sa isa’t isa.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN