Kobe Paras reveals why he's no longer affected by disrespectful comments

IMAGE Instagram (@_kokoparas)

Kobe Paras says he has heard and endured a lot of disrespectful comments from a lot of people that he is no longer affected by it.


Isang mensahe ang ipinarating ni Kobe Paras sa kanyang Twitter account kaugnay ng mga negatibong komento.

Ayon sa rising basketball star, narinig na niya ang lahat ng masasakit na salita tungkol sa kanya mula sa ibang tao kaya hindi na siya apektado sa tuwing nakakabasa o nakakarinig siya nito.

Tweet ni Kobe kahapon, May 8: "I’ve heard all the most disrespectful comments about me my whole life and IDGAF because the best thing to do in this world is to focus on you and your happiness.

"The comments and opinions of others should never matter to you.

"Live life the way YOU want to live it!"

“WHAT’S UP MAMA?” Nag-tweet din si Kobe tungkol sa kanyang ina na si Jackie Forster, na nakapiling niyang muli pagkatapos ng ilang taong di pagkakaunawaan.

Ni-retweet ng binata ang link ng isang artikulo tungkol sa panonood ng ina sa basketball game niya sa Filoil Flying V Preseason Cup nitong Martes.

Kabilang si Kobe sa Gilas Pilipinas Cadets team na lumaban sa University of the Philippines Maroons.

Nasa Spanish ang caption ng binata: “que pasa, mama,” na ang ang ibig sabihin sa Ingles ay “What’s up, mama?”

Sa interview niya sa SPIN.ph, ikinuwento pa ni Kobe na itinuturo niya ang kinauupuan ni Jackie sa tuwing makaka-score siya ng three points, bilang “tribute” sa ina.

Ikinakilig naman ito ni Jackie.

Indikasyon itong tuloy-tuloy na ang pagbabati ni Jackie at mga anak na sina Kobe at Andre matapos ang halos 12 taong tampuhan.

Eksklusibong inilahad ni Jackie ang pagbabati nila ng kanyang mga anak sa dating asawang si Benjie Paras sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 29.


Stories We Are Tracking

Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe
Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe
Jackie gets messages of support from fellow celebrity moms
Jackie gets messages of support from fellow celebrity moms
Kobe Paras to Jackie Forster:
Kobe Paras to Jackie Forster: "I love you, Ma."
Jackie overwhelmed by bonding moments with sons Andre, Kobe
Jackie overwhelmed by bonding moments with sons Andre, Kobe


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN