Regine Tolentino on estranged husband Lander Vera-Perez: "Forgiven and forgotten."

IMAGE Arniel Serato

Napatawad at nakalimutan na raw ni Regine Tolentino ang estranged husband niyang si Lander Vera-Perez. Wala na rin daw sila komunikasyon sa loob ng apat na taon. 


Ang pambababae raw ng asawa ay isa lamang sa mga rason kung bakit nakipaghiwalay si Regine Tolentino kay Lander Vera-Perez apat na taon na ang nakararaan. 

Diretsong sabi ng tinaguriang Dance Diva, “Among other things, yes.”

Nahuli pa nga raw ni Regine si Lander kasama ang babae nito, “Yes, yes. As in."

Pero wala na raw iba pang komento ang 37-year-old actress/dancer/TV host.

“Just ask him or her,” ang kanyang tugon sa tanong kung sa kama ba niya nahuli ang mister at ang kalaguyo nito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa grand presscon ng kanyang upcoming concert na Ignite: Regine Tolentino, ngayong Miyerkules, May 9, sa Le Reve Pool Party and Events Place sa Quezon City.

“FORGIVEN AND FORGOTTEN.” Apat na taon na raw silang walang komunikasyon ni Lander.

Maski sa dalawa nilang anak na babae ay hindi rin daw ito nagpaparamdam. Kaya raw mabilis ang proseso ng kanyang pag-move on mula sa kanilang hiwalayan.

“Yung feeling na namatayan ka. I was in mourning for the longest time, and then I recovered."

Prangkang dugtong pa ni Regine, “He does not exist sa amin anymore…

"It’s a closed chapter and I think that makes us stronger and solid as a family.

"And masaya kami, kaming tatlo lang."

May kinakasama na ba si Lander ngayon?

“I have no idea and we don’t care,” sagot ni Regine.

Napatawad na ba niya si Lander?

Mabilis niyang sagot, “Forgiven and forgotten.”


Hindi naman daw siya physically abused ni Lander sa tagal ng kanilang pagsasama.

Eighteen years old lamang si Regine noong ikinasal sila ni Lander.

Nang naghiwalay sila ay nagsampa si Regine ng annulment case sa korte.

Dagdag pa niya, “My annulment is going to be finished on June 3.”

Ano na ang status ng kanyang buhay sa ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Regine, “I am single and I’m ready to… work. And I’m loving life.

"And I must say that I’m so busy na parang hindi ko na naiisip… kaya ako tumaba sa kakaisip ko na wala akong love life.

“Yes, I promised my [two] children that I will start with all of that eventually kapag legitimately annulled na kami, para at least walang masabi lahat ng tao.

“And I think, mentally, my heart is not ready yet.”

CELEBRATION. Maituturing namang isang selebrasyon para kay Regine ang kanyang nalalapit na dance concert na Ignite: Regine Tolentino.

Ito ay upang ipagdiwang ang kanyang ika-23 taong anibersaryo sa showbiz.

Sabi pa niya, “Celebration of my kalayaan, I’m coming out, it’s my time to shine.

“And just enjoy and celebrate yung pagkababae ko, yung pagka-mommy ko.”

Ano ba ang mga maaasahan sa kanyang dance concert?

Saad niya, “It’s an explosion of different kinds of dance concepts, we have 22 super hot divas who be joining me…

“A showcase of all of my designs from my boutique… and we have great production numbers.

"We will do diva stuff, we will do showgirl, some theatrical stuff, and it’s gonna be fun and lively and you will see a lot of skin.

“This is the fiercest and sexiest that I’ve ever been.”

Ilan sa mga makakasama ni Regine sa concert ay sina Andrea del Rosario, Gem Ramos, Cherry Lou, Jenny Miller, Leah Patricio, at Zeus Collins.

Dumating naman sa presscon ang ilan pa sa kanyang guests na sina Marissa Sanchez, Ynez, Veneracion, at Patricia Javier.


Gaganapin ang concert sa Sky Dome, SM North Edsa, sa May 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN