Maris Racal calmly denies lesbian relationship with Sue Ramirez

IMAGE Jerry Uy

No hard feelings and no harsh words happen between Maris Racal and her Twitter follower whose accusation of lesbianism would have raised hell among lesser mortals. Maris denied with calmness and a touch of humor any lesbian relationship with her co-Kapamilya and good friend Sue Ramirez.


Sinagot nang maayos ni Maris Racal, 20, ang isang follower niya sa Twitter na pinuna ang pagbibiro ng young singer-actress at kaibigan nitong si Sue Ramirez, 21, na mayroon silang lesbian relationship.

To more music nights with you ???? ps. im buying the right foundation shade now.

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Pinuna kasi ng Twitter user na si @EmeraldStoneNew ang pagbibiro nina Maris at Sue sa sinasabi nilang “lesbian thing” sa pagiging sweet nila sa isa’t isa.

Na-post ang tweet ni Emerald ngayong Martes, May 9.

Ayon dito, nawawala ang kilig niya sa team-up nina Maris at Iñigo Pascual dahil sa joke ng dalawang young actresses tungkol sa lesbianism. 

Pinangaralan din nito sina Maris at Sue na kung mga tomboy o may relasyon nga ang dalawa, lumantad na lang sila at huwag gawing katatawanan ang LGBT. 

Dugtong pa niya, parang niloloko raw nina Maris at Sue ang LGBT.

Hinashtag pa nito ang #LGBT para pukawin ang atensyon ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender community.

Kaswal lang itong sinagot ni Maris, kasunod ng pagtanggi niya sa lesbian relationship nila ni Sue.

Mensahe ng Star Magic artist, “Ganyan naman po talaga kami ni Sue eversince naging magkaibigan kami. Nagka-malisya lang po dahil sa mga emojis na ginagamit namin. 

"‘Di naman kami nagalit. In fact po natuwa po kami kasi ang daming sumusuporta sa LGBT. Pero wala po kaming relasyon.”

Nakiusap din si Maris na huwag nang palakihin pa ang isyu.

Sumegunda naman si Emerald, “Sana nga it will not blow out of proportion. #ConcernLangSaCareerMo.”

THE NETIZENS REACT. Ipinagtanggol naman si Maris ng ilan sa kanyang mga tagahanga at sinabing natural lang sa kanilang idolo ang pagiging malambing:

@Noemsicat, “If you know Maris personally malalaman mo na sa sobrang sweet at clingu nya sa lahat ng malapit sa kanya esp. sa friends.  Her relationship with Sue is not big deal. Wag natin lagyan ng malisya.”

@janesss_, “I don’t think there’s something wrong with it. For me, I just see two friends being sweet to each other.   Nasa atin na lang yun kung magiisip tayo ng malisya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

@ghinagurl119, “Be urself no matter what. Very sweet and loving personality stay what you are.  Love you tali.”

@Viateresalopez3, “Nakikita nyo naman ung mga ig story nila dba? Kasama ni Inigo si Maris, kasama ni Joao si Sue.  Magkaibigan lang sila ni Sue. Wag nyo naman bigyan ng malisya. Super naging close talaga sila.”

Umaasa naman ang fans ni Sue na sana ay hindi maapektuhan ang closeness ng kanilang idol at ni Maris dahil sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN