Bea Binene denies alleged secret romance with Alden Richards

IMAGE Instagram @beabinene / James Patrick Anarcon

Pakiusap ni Bea Binene sa netizens na nag-uugnay sa kanila ni Alden Richards: "Sana maintindihan nyo na hindi porket magkasama sa photo or magkasama kumain, e may something na. I hope you all understand and just be happy because we are friends."


Nilinaw ni Bea Binene, 20, na walang katotohanan ang usap-usapan sa social media na may namamagitan sa kanila ni Alden Richards, 26.

Kaugnay ito ng litrato ng bouquet of flowers na ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram account noon pang April 9.

And you need to know You're the only one, alright alright

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on

Ilang netizens ang nagkomento rito na si Alden daw ang nagpadala ng bulaklak kay Bea dahil lihim na magkarelasyon diumano ang dalawa.






Sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, May 9, iginiit ni Bea na hindi si Alden ang kanyang mystery flower sender. 

“Wala pong kinalaman si Alden sa mga bulaklak.

“Wag nyo naman po sana bigyan ng ibang meaning ang mga posts.

“I actually understand that you are possessive with your idols but please, wag nyo naman pangunahan and bigyan ng kung anu-anong meaning na wala naman talaga.

“And humahanga ako sa suporta nyo.”

Ayon kay Bea, hindi dapat bigyan ng ibang kahulugan ang pagiging malapit nilang magkaibigan ni Alden.

“Sana maunawaan natin na may mga taong mas pipiliin na maging magkaibigan than anything else.

“Sana maintindihan nyo na hindi porket magkasama sa photo or magkasama kumain, e may something na. I hope you all understand and just be happy because we are friends.

“Mahirap humanap ng totoong kaibigan sa industriya and I am extremely grateful to have a few real friends na tried and tested, hindi man madami, pero totoo.

“I hope na ganun din ang isipin nyo for your own idols.”

Umapela rin si Bea na tigilan na ng ilang netizens ang paninira ng ibang tao sa social media.

“I hope this clarifies everything. And I hope we just stay positive and be happy for everyone.

“Use your time to love your family and love one another, not to bash people who get close to your idols.

“If it’s meant to be, it will be.”

Narito ang kabuuang pahayag ni Bea sa kanyang Instagram:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay, I really don’t wanna say anything, but its already getting out of hand. First, it saddens me that there are people who act, think, and tell people something like that. Nakakalungkot dahil may mga oras sila mag-sabi at mag-isip ng kung ano ano sa iba, na dapat ay ginagamit nila ang oras na yun to do something good and productive. Second, sana maunawaan natin na may mga taong mas pipiliin na maging magkaibigan than anything else. Sana maintindihan nyo na hindi porket magkasama sa photo or magkasama kumain, e may something na. I hope you all understand and just be happy because we are friends. Mahirap humanap ng totoong kaibigan sa industriya and I am extremely grateful to have a few real friends na tried and tested, hindi man madami, pero totoo. I hope na ganun din ang isipin nyo for your own idols. Wala pong kinalaman si Alden sa mga bulaklak. Wag nyo naman po sana bigyan ng ibang meaning ang mga posts. I actually understand that you are possessive with your idols but please, wag nyo naman pangunahan and bigyan ng kung anu-anong meaning na wala naman talaga. And humahanga ako sa suporta nyo. I hope this clarifies everything. And I hope we just stay positive and be happy for all of everyone. Use your time to love your family and love one another, not to bash people who get close to your idols. If its meant to be, it will be. ;) No hate, just love. God bless you all ????

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN