Ynez Veneracion refuses to directly name Maguindanao governor as the father of her child

IMAGE Arniel Serato

Kung sakaling pumayag si Ynez Veneracion noong magpakasal sa pulitikong boyfriend na isang Muslim, magiging pang-apat daw siyang asawa nito. 


Kahit anim na taon na ang anak na babae ni Ynez Veneracion, ayaw pa rin niyang direktang pangalanan si Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu na siyang ama nito.

Nakangiting pahayag ng dating sexy star, “Huwag na muna hanggang nagbibigay pa ng sustento.

“Huwag muna ngayon. Ano naman siya, he’s been a good father naman to my daughter.”

Ngunit sa panayam kay Governor Mangudadatu sa Bawal Ang Pasaway ni Winnie Monsod sa GMA News TV noong November 2015, inamin nitong mayroon nga silang anak ni Ynez.

Ikinuwento rin noon ni Ynez na inalok siyang magpakasal ng kanyang pulitikong Muslim boyfriend, ngunit hindi siya pumayag.

Paliwanag ng aktres tungkol dito, “Hindi. Gusto niya dati magpakasal kami, ayoko.

"Ayoko lang talaga. Kasi mahirap. Mahirap, e.

"Yung hindi nga Muslim, mahirap na, di ba?”

Kung sakaling pumayag siyang magpakasal noon kay Governor Mangudadatu, pang-ilang asawa naman kaya siya nito?

Sagot ni Ynez, “Pag pumayag ako, siguro pang-apat ako.”

Sa ngayon daw ay nananatili silang magkaibigan ng gobernador at regular naman daw itong nagbibigay ng sustento sa kanilang anak.

Aniya pa, “Kaibigan, para lang sa bata talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynez sa grand presscon ng upcoming dance concert ni Regine Tolentino, ang Ignite: Regine Tolentino, nitong Miyerkules, May 9, sa Le Reve Pool Party and Events Place, sa Quezon City.

Kabilang si Ynez sa guests ni Regine sa dance concert nito na gaganapin sa Sky Dome, SM North Edsa, sa May 26.

THE NEW YNEZ. Marami raw nabago sa buhay ni Ynez mula nang siya ay naging ina.

“Marami, naging responsable ako sa buhay. Dati kasi, parang bara-bara ako.

“Ang dami kong natutunan. Dati maluho, lahat ibinibigay ko sa sarili ko.

"Ngayon, talaga sa anak na lang talaga."

Proud na proud daw si Ynez sa kanyang anak.

Matalino raw ang anak at English kung magsalita dahil sa Assumption niya ito pinapag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit may ikinakatakot lamang siyang ugali ng anak.

Ayon kay Ynez, “Namana sa kanya [ama] nung anak ko, matapang masyado.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN