Isko Moreno appointed as DSWD undersecretary

IMAGE Francisco Isko Domagoso on Facebook

Isko Moreno on his appointment as DSWD usec: "Gagawin ko po ang lahat upang magampanan ang aking tungkulin inatang sa 'tin sa abot ng aking makakaya."


Ipinagpapasalamat ni Isko Moreno ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang i-appoint nito bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inilabas ang appointment paper ni Isko—Francisco Moreno Domagoso sa totoong buhay—ng Malacañang ngayong Miyerkules, May 9.


Pahayag ni Isko sa ABS-CBN News Online, “Malugod po akong nagpapasalamat sa muling pagtitiwala na ipinagkaloob sa atin ng ating Pangulong Duterte.

“Malaking trabaho at responsibilidad po ito ngunit gagawin ko po ang lahat upang magampanan ang aking tungkuling inatang satin sa abot ng aking makakaya para sa mga nangangailangan nating mga mahihirap na kababayan.”

Ito ang pangalawang government post ni Isko sa administrasyong Duterte.

Una siyang na-appoint bilang chairman ng North Luzon Railways Corporation noong July 2017.

Ngunit nag-resign siya noong Nobyembre ng kaparehong taon matapos lamang ang limang buwang panunungkulan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN