Kobe, Andre Paras defend dad Benjie Paras amid reconciliation with their mom Jackie Forster

IMAGE Instagram (@_kokoparas)

Andre (left) and Kobe (right) Paras set the record straight about their reconciliation with mom Jackie Forster and the involvement of their dad, Benjie Paras.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na rin ang magkapatid na sina Andre at Kobe Paras tungkol sa pakikipag-ayos nila sa kanilang inang si Jackie Forster pagkatapos ng 12 taon.

Sina Andre, 22, at Kobe, 20 ay mga anak ni Jackie sa dating asawa nitong si Benjie Paras.

Bago matapos ang Abril ay eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph contributor na si Jojo Gabinete si Jackie kung saan inilahad niya ang madamdaming pagtatagpo nilang muli ng kanyang dalawang anak.


Stories We Are Tracking

Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe
Jackie Forster recounts emotional reunion with Andre, Kobe
Jackie overwhelmed by bonding moments with sons Andre, Kobe
Jackie overwhelmed by bonding moments with sons Andre, Kobe

KOBE DEFENDS DAD. Ngayong Miyerkules, May 9, sa eksklusibong panayam sa kanila ng gmanetwork.com, sina Andre at Kobe naman ang nagbigay ng pahayag tungkol sa pakikipagkasundo nila sa nawalay na ina.

Dito ay ipinagtanggol nila ang amang si Benjie, na sinisisi ng marami dahil sa matagal na panahong hindi pakikipag-ayos ng magkapatid sa kanilang ina.

May mga akusasyon kasing si Benjie umano ang nag-impluwensiya sa magkapatid na huwag makipag-ayos sa kanilang ina.

Ngunit ayon kay Kobe, “Ever since we were kids, our dad will always ask us if we want to see our mom.

"There's a lot of people who think na… they're talking bad about me—Andre, my dad, and I—our whole lives, because, like, they're saying my dad is a bad person for not making us forgive our mom."

Dahil sa murang edad, nagdesisyon daw noon sina Kobe at Andre na huwag munang makipagkita sa kanilang ina.

“We didn't really know what forgiveness was,” dagdag ni Kobe.

Naging matagal daw ang proseso ng pagpapatawad, at sa loob ng mahabang panahong iyon ay nakagabay lang daw si Benjie sa kanila.

Saad ni Kobe, “He listened to what Andre and I had to say; not just with forgiving our mom but, like, in basketball and in school.

“He never forces to do anything.”

Dagdag pa niya, “Now that we're mature, we're happy na ito yung nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I'm just happy na this all happened in God's blessing.”

PROCESS OF HEALING. Paliwanag naman ni Andre, nasa "process of healing" ang relasyon nila ngayon sa ina.

Sa apat na taon daw niya sa showbiz, maraming beses siyang natanong tungkol sa relasyon niya kay Jackie.

Pahayag ng Kapuso actor, “I'd always say ‘no comment’ or ‘give me time.’

"And I'm thankful na you guys gave me time.

"And wala naman kaming sinabi na we hate her, we dislike her.

“It's just that we needed time to heal, and like what Kobe said, we're more mature now.”

Nagpapasalamat din si Andre sa kanilang stepmom na si Lyxen Diomampo, asawa ni Benjie, sa pag-unawa sa kanila.

Aniya, “She was there to treat us like her own...

"It hurts lang there are a lot of negative comments about her.”

Dagdag ni Andre, “I just want to thank my dad and stepmom for always being there for us, our stepmom for treating us like her own.”

Panghuling mensahe ni Andre, “There you have it, we're all happy, and I hope you guys are happy as well.

"Kaya thank you so much for the patience, thank you again for the love and support."

Nagtungo sina Andre at Kobe sa GMA Network Center ngayong araw para mag-courtesy call sa GMA-7 executive heads na sina Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon at President and COO Gilberto R. Duavit Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN