Bachelor Paulo Avelino answers questions on sex, marriage, and divorce

IMAGE Mark Atienza

Paulo Avelino on sex before marriage: "If both parties agree to it; if not, so be it."


Hindi raw nagmamadali si Paulo Avelino na lumagay sa tahimik.

Sa kanyang pananaw, pinag-iisipan daw ito nang mabuti.
 
Pahayag ng 29-year-old actor, “It will be something that I decide five years from now.

"Not that I’m saying I won’t get married, hindi lang natin masabi.

"Hangga’t hindi pa dumadating ang tamang panahon to find the partner for you…

"To feel that both parties are ready to get married, kasama nila yung mga magulang.”

Ang nais niyang sabihin ay ang pagsang-ayon ng mga taong nakapaligid sa dalawang magkasintahan.

Hindi naman tago ang mga relationship ni Paulo, past or present.

Kaya tinanong namin ang opinyon niya sa long engagement at sex before marriage.

Sabi ni Paulo, “For me, it’s finding a partner you're compatible with in all aspects. 

“Which include sexual, if both parties agree to it; if not, so be it.

“Puwede namang i-explore yun in the later part of the relationship.

“Yun lang, baka ma-misquote pa ako.”

May isang anak si Paulo mula sa kanyang dating kasintahang si LJ Reyes.

Matipid din ang komento ni Paulo sa umiinit na issue ngayon sa bansa—ang divorce.

Aniya, “In all honesty, I’m quite confused yet about annulment and divorce.

“I don’t want to talk about something that I am not fully knowledgeable of.

“But since it was brought up, and it might happen in the Philippines...

"I think it’s about time I should study it and give my opinions after.”

Naglahad ng kanyang paniniwala si Paulo tungkol sa sex, marriage, at divorce kaugnay sa lalabas niyang movie na Kasal, kung saan kasama niya sina Bea Alonzo at Derek Ramsay.

Humarap sina Paulo, Derek, at Bea kasama ang director nila na si Ruel S. Bayani sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference ng pelikula kagabi, May 8, sa 9501 restaurant sa Kapamilya grounds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN DEMAND. Bukod sa ginagawa niyang pelikula, ipalalabas na sa September ang Goyong, ang big-budgeted historical movie na pinagbibidahan ni Paulo.

Nasa leading cast din siya ng Asintado, ang afternoon teleserye ng ABS-CBN na tinatampukan din nina Julia Montes at Shaina Magdayao.

Sa dinami-dami ng mga leading-man material ng ABS-CBN, isa si Paulo sa mangilan-ngilang hindi nawawalan ng trabaho, pelikula man o teleserye.

Nakangiting reaksiyon dito ng aktor, “Actually, hindi ko rin alam, I think sumakto rin sa timing, luck and hard work. 

“I might not show as someone really passionate about what I do, but I am. 

“And I am professional when I’m on the set, I’m rarely late.

“At kada proyekto na tinatanggap ko, ibinibigay sa akin, maliban sa pinaghuhusayan ko... I try to go the extra mile, to give something else to it.

“But, you know, I can’t really tell. Ang hula ko, it’s really about proper timing and luck.”

PRAISE FOR DIRECTOR. Samantala, pinuri ni Paulo si Direk Ruel sa magandang pagpapatakbo nito sa set ng Kasal.

Galing din ang director sa GMA-7 kung saan nagmula si Paulo matapos mapabilang sa Top 8 ng StarStruck Season 4 noong 2008.

Kuwento ni Paulo, “What Bea and Derek said, he’s very open for collaborations, minsan nga it comes to the point na debate na sa set.

“Ganun niya kami binibigyan ng respeto at space to play around with our lines, our roles, and question the scenes.

“Eventually napapaganda ang eksena dahil doon, and at the same time, nandon pa rin ang respeto namin kay Direk Ruel.

“Wala pa naman sa amin na nag-cross ng line na yun kahit ganun kalaki yung ibinibigay niyang space sa amin para gumalaw.”

Nasa cast din ng Kasal sina Cris Villonco, Vin Abrenica, at ang newbie na si JC Alcantara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN