Benjie Paras reacts to reconciliation of sons and ex-wife Jackie Forster

Hindi raw hinadlangan ni Benjie Paras ang desisyon ng mga anak na sina Andre at Kobe na makipag-ayos na sa kanilang inang si Jackie Forster pagkatapos ng 12 taong hindi pagkakasundo.


"Tapos na po ang issue."

Ito ang bahagi ng maiksing reaksiyon ni Benjie Paras sa pagkakaayos ng dati niyang asawa na si Jackie Forster at ng dalawa nilang anak na sina Andre, 22, at Kobe Paras, 20.

"So, iyon po, narinig niyo na po sa kanila, we're all happy,” dagdag pa ni Benjie sa kanyang pahayag.

Ipinahayag ito ng aktor pagkatapos ilahad nina Andre at Kobe ang kanilang saloobin sa pagbabati nila ng kanilang ina.

Ayon sa magkapatid, pagpapatawad ang naging susi sa muling pagkakasundo nila.

Sa eksklusibong panayam ng GMA News Online ngayong Miyerkules, May 9, sinabi ni Kobe na maraming bagyo ang pinagdaanan ng kanilang pamilya, ngunit dumating daw sa puntong unti-unti nilang niyakap ang pagpapatawad.

Sabi pa ni Kobe, "At least now, we've realized that we're grown and we've been through a lot na.

"You know, it's time to forgive our mom. At least, we're all happy."

Ayon naman kay Andre, nag-mature na silang magkapatid kaya hinayaan na sila ng kanilang ama na gumawa ng sarili nilang desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Like what Kobe said, we're more mature now and it's our decision naman nung bata kami, you know.

"Dad was also there to respect our decision. So now, I believe it's the right age, 20 and 22, mature na po kami."

Pinasalamatan din ng dalawa ang kanilang stepmother na si Lyxen Diomampo dahil naintindihan daw nito ang kanilang desisyon.


Stories We Are Tracking


Unang ibinahagi ni Jackie ang pagkakasundo nila nina Andre at Kobe sa pamamagitan ng eksklusibong panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Stories We Are Tracking



ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close