Cris Villonco clarifies speculations about her Lola Armida Siguion-Reyna's health condition

IMAGE Mark Atienza / Instagram

Cris Villonco on her grandmother Armida Siguion-Reyna's condition: "Ever since my grandfather died, there has clearly been... I don't wanna say a deterioration, but a loss there."


Ibinalita ng singer-actress na si Cris Villonco na nasa mabuting estado ang kanyang lola na si Armida Siguion-Reyna.

Matagal-tagal nang hindi napagkikita sa showbiz events at gatherings ang kilalang veteran character actress at musical TV show producer.

May bali-balitang may karamdaman daw si Armida, ang iba naman ay nagsasabing dahil na rin sa katandaan kaya hindi na dumadalo sa mga pagtitipon ang award-winning actress at film producer.

Pagbibigay update ni Cris, “Lola is okay, Tita Midz is okay, my lola.

“She’s been doing very well and we encourage people to visit her at home because she loves the company.

“She loves everybody who’s there visiting her, minsan umiiyak siya kapag nakikita niya ang mga taong bumibisita sa kanya.

“Minsan naiiyak [rin] yung mga taong bumibisita sa kanya.

“She’s there, but it’s a little sad, you’re a little happy that she’s alive and well.

"But she’s just there at home.”

So when we try to take a family picture... This is what happens...

A post shared by Cris Villonco (@crisvillonco) on

Ang mga nakasama raw ni Tita Midz sa likod ng kamera ang mga bumibisita sa kanya.

“A lot of people who have worked with her behind the scene, it’s been nice to see them.

“People who now work elsewhere and they come from abroad.”

Pinabulaanan din ni Cris ang bali-balitang hindi na nakakakilala pa si Tita Midz.

“Nakakilala pa rin siya,” patunay ng 34-year-old award-winning theater actress.

LOSING IT? Pero nagpahiwatig din si Cris ng “onset” ng pagkalimot sa mga pangalan o hindi pagkakakilanlan ng kanyang lola.

“Ever since my grandfather died, there has clearly been... I don’t wanna say a deterioration, but a loss there.

“Parang yung ‘Wind Beneath Her Wings’ pa, and something like that, will really create an effect on how you are, on how you feel.

“But nakakakilala pa rin siya, tumatawa pa rin siya pag sinasabi naming pangit siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag sinasabi namin sa kanya na 'Pangit ka,' sasabiin niya, ‘Hindi, mas pangit ka.’

“Minsan kumakanta siya because we sing to her, at least alam natin nandoon pa rin siya.

“Minsan-minsan she’ll confuse us, pero she’s very much… a lot of people think that she’s very weak.

“We make it a point that she looks good all the time and she’s fed very well.

“The doctors have cleared her of anything, so she’s very well.”

Si Armida ang ina ng mother ni Cris na si Monique Siguion-Reyna Villonco, dating editor-in-chief ng lifestyle magazine na Town & Country.

Ang ama naman ni Cris ay si Rolando Mario “Opap” Villonco, isang lawyer na nakilala nang maging legal counsel ni Gretchen Barretto sa1994 Manila Film Festival scam.

TRIBUTE. Hindi kabisado ni Cris kung ilang taon na ang kanyang lola, pero ayon sa Wikipedia, ipinanganak si Armida noong November 4, 1930.

Tinatayang 87 na ngayon ang veteran actress.

Gusto sana ni Cris at ng kanyang pamilyang bumuo ng isang tribute show para sa kanyang lola.

Sabi pa niya, “We really want to do that, but we have a book, which is a tribute to her. 

“And those are her writings, it’s a very interesting book because she talks about her life, her whole life.

“We let her read her books, we let her look at her… you know, in the living room, it’s all photos of her.

“So, sasabihin niya, ‘Ang ganda-ganda ko,’ yung ganun niya, mataray pa rin siya, it’s still there.”

Puwede pa naman daw gumawa ng pelikula si Tita Midz, pero may mga kundisyon ito.

Ayon kay Cris, “If she wants to, if the project permits, if the siblings want her to appear, yes.”

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cris sa presscon ng pelikulang Kasal, na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Paulo Avelino mula sa direksiyon ni Ruel S. Bayani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang 25th anniversary offering ng Star Cinema ngayong May 16.

Kabilang si Cris sa cast ng pelikula na humarap sa media sa launch ng movie na ginanap sa 9501 Restaurant noong Martes ng gabi, May 8.

Kilala bilang isang theater actress si Cris, pero bukas siya sa television at movie projects.

Aniya, “Theater has taken all my time, so now that I have the opportunity to do TV and film, I’m all for it and I want the job.”

Bago ang Kasal, huling napanood sa big screen si Cris sa Ang Larawan, entry sa Metro Manila Film Festival 2017.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN