KC Concepcion sympathizes with Sarah Geronimo, other celebrity friends who feel pressure

IMAGE Instagram (@itskcconcepcion)

KC Concepcion sympathizes with celebrity friends, like Sarah Geronimo, "who are burning out and exhausted and are trying to cope with pressure." KC says, "I just want for them just to be surrounded by kind people, who truly care for them."


Nakikisimpatiya si KC Concepcion sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na nakararamdam ng matinding pressure at expectations mula sa fans at publiko.

Sa kanyang Instagram Story kagabi, May 9, nag-post ng videos ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na naglalaman ng mensahe para sa mga kaibigang nasa showbiz.

Hindi man nagbigay ng pangalan ang 33-anyos na actress-TV host, malinaw na isa sa mga tinutukoy niya ay si Sarah Geronimo.

Matatandaang naiyak si Sarah sa kanyang concert sa Las Vegas dalawang linggo na ang nakalilipas dahil sa matinding pagod.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans
Sarah G receives heartwarming support from celebs, fans

“I FEEL FOR THEM.” Sa unang video ni KC, maririnig sa background ang “Tala,” isa sa hit singles ni Sarah.

Caption ni KC sa video, “When Sarah captures all the feels.”

Bilang isang artista, sinabi ni KC na alam daw niya ang pinagdadaanang hirap ng mga artista para magpasaya ng mga tao.

“When I see friends in the industry, who are out there trying to cope with public pressure and expectations every single day of their lives, these people who have been working so hard and working so much, and I feel for them and it’s real.”

Malaking tulong daw ang magagawa ng pangungumusta..

Saad ni KC, “What I wanna share is… one thing I learned throughout my career and my life, so far, is the power of ‘how are you.’

“When someone asks how are you and actually means it and truly cares, that means the world and can change everything for them.”

Panghuling mensahe ni KC para sa showbiz friends na nakararanas ng matinding pagod, “My prayer for my friends who are in the industry, who are burning out and exhausted and are trying to cope with pressure, I just want them to be surrounded by kind people, who truly care for them.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN