KC Concepcion still unsure over showbiz comeback: "I've been really enjoying my privacy."

IMAGE Chez Ganal

KC Concepcion still unsure when she will make a showbiz comeback. "I think it's just a matter of time before I choose to share my life that way again," she says.


Hindi pa matukoy ni KC Concepcion kung kailan siya muling magiging aktibo sa showbiz.

Sa halos tatlong taon daw niyang pamamahinga sa industriya, masaya siya sa pagkakaroon ng privacy.

Pahayag ni KC sa kanyang Instagram Story nitong Miyerkules, May 9, “What I wanna share is that I’ve been really enjoying my privacy.

“And as much as I wanna share everything and all the time, like I’m used to, there’s something nice about having a private life too.”

Ayon pa sa 33-year-old actress-TV host, ito ang paksa na napag-usapan nila ng isang kaibigan.

Dagdag ni KC, “It’s been almost three years now.

“I miss my fans and I miss working the way I did before, don’t get me wrong."

Panahon na lang daw ang makapagsasabi kung kailan siya muling babalik sa showbiz.

“They say, once in showbiz, always in showbiz.

“But I think it’s just a matter of time before I choose to share my life that way again, the way I did so much…”

Ang huling teleseryeng ginawa ni KC ay ang Ikaw Lamang ng ABS-CBN noong 2014.

Pagkatapos nito ay panay guest appearances at hosting jobs na lang ang ginawa niya noong 2015 hanggang 2016.

Ang huling pelikula naman niya ay ang Boy Golden: Shoot to Kill, The Arturo Porcuna Story noong 2013.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN