Mon Tulfo defends sis Wanda, condemns bro Ben in P60M tourism ad brouhaha

IMAGE GMA News / Twitter / Web

An excerpt from Mon Tulfo's (center) position on sister Wanda Teo (left) and brother Ben Tulfo's (right) involvement in P60M tourism ad money controversy: "Ben, who suffers from the 'middle child' syndrome — he's the fifth child after me, Wanda is the fourth — should have known better than to touch the multi-million peso advertising contract with PTV 4 since that would constitute conflict of interest on his sister's part."


Ibinulgar ni Ramon "Mon" Tulfo ang sigalot sa pamilya Tulfo dahil sa pagkakasangkot ng kanyang kapatid na si dating Department of Tourism Secretary Wanda Teo sa kontrobersiyal na P60M tourism ads na umere sa PTV-4 blocktimer news program na Kilos Pronto.

Ang Kilos Pronto ay blocktimer program na ipinoprodyus ng Bitag Media Unlimited Incorporated (BMUI), ang pag-aaring production company ng kapatid din nilang si Ben Tulfo.

Co-hosts sa programang ito sina Ben, Erwin Tulfo, at Alex Santos.

Sa kanyang column sa Philippine Daily Inquirer (PDI) ngayong araw, May 10, pahayag ni Mon, “President Digong should be commended for sacking Wanda.

“Loyalty to country and people should take precedence over loyalty to friends and family.

“Meanwhile, I am supporting Wanda’s fight to clear her name, but not Ben’s.”

Noong April 27 lumabas ang Commission On Audit (COA) report na kumukuwestiyon sa “accuracy, legality, and validity” ng P60M tourism ads na umere sa Kilos Pronto dahil sa kakulangan ng karampatang dokumento.  

Nakuwestiyon din ang diumano’y “conflict of interest” ni Teo dahil sa pakikipagtransaksiyon ng DOT sa production company na pag-aari ng kanyang kapatid na si Ben.

Makailang-beses nilinaw ni Teo na ang kontrata ng DOT ay sa PTV-4 na pag-aaring network ng gobyerno, at wala siyang kinalaman sa pagpili sa Kilos Pronto kung saan umere ang P60M tourism ads.

Gayunman, nagdesisyon si Teo na mag-resign bilang DOT secretary sa ngalan ng “delicadeza” noong May 8.

CONFLICT IN THE FAMILY. Sa pagpapatuloy ng kanyang column sa PDI, ipinaliwanag ni Mon na bilang panganay sa magkakapatid na Tulfo ay nais niyang ihayag kung ano ang posisyon ng kanilang pamilya sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Wanda at Ben.

Ayon kay Mon, wala umanong kinalaman si Wanda sa P60M na ibinayad sa production company ni Ben para sa umereng tourism ads.   

Sinunod lang umano ni Wanda ang mandato ni Presidente Duterte na suportahan ang pag-aaring TV network ng gobyerno na PTV-4.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Mon, “Wanda’s fault is that she did not get intelligent people as her staff. They would have advised her against signing a contract with PTV-4 where Ben was a blocktimer.

“A blocktimer is not an organic member of a radio or TV station but one who pays for airtime.

“She was clueless that Ben would get the lion’s share, so to speak, of the P60 million advertising contract."

Nanindigan si Mon na kasalanan ng kapatid niyang si Ben na nakipagtransaksiyon ito sa PTV-4 sa kuwestiyonableng P60 million ad placement, na naglagay sa alanganin sa kapatid nilang si Wanda.

“Ben, who suffers from the ‘middle child’ syndrome — he’s the fifth child after me, Wanda is the fourth — should have known better than to touch the multi-million peso advertising contract with PTV 4 since that would constitute conflict of interest on his sister’s part.

“But Ben insists on his innocence, claiming that the Department of Tourism — of which Wanda was the erstwhile head — didn’t sign the contract with his company, Bitag Multimedia Network."

Imbes na aminin daw ni Ben ang pagkakamali ay nagalit pa raw ito sa kanya at sinabing, “F**k you! Don’t treat me like a child.”

UNVERIFIED STATEMENT? Sa huli, inalmahan din ni Mon ang pagkuha ni Wanda kay Atty. Ferdinand Topacio bilang legal counsel.

Wala raw katotohanan ang pahayag ni Atty. Topacio sa isang panayam na napagkasunduan ng magkakapatid na Tulfo na ibalik sa DOT ang natanggap na P60 million para sa umereng tourism ads sa Kilos Pronto.

Hindi raw kinonsulta ng abogado silang magkakapatid na Ben, Erwin, at Raffy hinggil sa isyu.

Paglilinaw pa ni Mon, wala silang natanggap nina Erwin at Raffy na pera mula sa P60M ad placement na ibinayad sa production company na pag-aari ni Ben.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN