Girltrends member Erin Ocampo doesn't ask Michael Pangilinan for child support

IMAGE John Fontanilla

Girltrends member Erin Ocampo hasn't told her son with actor Michael Pangilinan about their separation. "Ayaw ko pa, ayaw ko pa ilagay sa utak niya yun. Kasi nga, di ba, hindi pa natin alam ang future."

 


Naka-move on na raw nang husto ang Girltrends member na si Erin Ocampo sa naging breakup nila ng singer na si Michael Pangilinan, ama ng kanyang anak.

Sa ngayon kasi ay pareho na silang masaya sa kani-kanilang love life.

"Buong-buo. Natagpuan ko na ngayon ang mga hinahanap ko sa isang guy," ang sagot ni Erin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang kumustahin ang kanyang buhay pag-ibig.

Pero giit ni Erin, hindi pa naman niya masisigurado ang lahat sa karelasyon niya ngayon.

Aniya, “Just go with the flow lang, at ang mahalaga lang ay tanggap niya ako at okay kami, at single guy siya.”

Nagpapaalaman ba sila ni Michael pagdating sa kani-kanilang love life?

Sagot ni Erin, “Friends kami, pero iba pa rin yung nangyari [breakup], di ba?

“Pero still, hindi naman joke-joke lang ang nangyari sa amin.

“Pero gusto pa rin niya na may magmahal pa rin sa akin.”

Dagdag niya, "Hindi na siguro dapat, kasi pinag-uusapan na lang naman namin ngayon yung tungkol sa anak namin.

"Di na siguro kailangan pa na ipaalam niya sa akin ang tungkol sa love life niya, at ganun din ako.”

At kahit nga raw ang pagbibigay ng payo ay hirap silang dalawa.

“Hindi ganun kadali magbigay ng payo sa isa’t isa.

“Hindi naman ganun kaganda yung naging journey ng relasyon namin noon, although okey na kami ngayon as friends.”

Aminado si Erin na masaya ang love life ni Michael ngayon, at masaya siya para sa dating karelasyon.

“Happy ako for him, kasi meron na rin naman ako.

“Open book naman din yung sa akin.”

CHILD SUPPORT. Pagdating naman sa kanilang anak, direkta ang mga sagot ni Erin.

Tungkol sa suportang ibinibigay ni Michael sa kanilang anak, aniya, "Hindi ako humihingi sa kanya ng suporta.

"Hinahayaan ko siya if susuporta siya, kasi may trabaho naman ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sinasagot niya yung diaper and gatas ni Baby, okey na sa akin yun.

"Hangga't kaya ko naman, susuportahan ko ang anak ko.

"If tutulungan niya ako, nasa sa kanya yun."

Aware ba ang kanilang anak sa kanyang love life?

Sagot ni Erin, “Hindi pa ready ang bata sa mga ganoong bagay.”

Natatakot ba siyang pagdating ng panahon ay magtanong ang bata sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Michael? 

"Hindi nga siguro kami meant to be ni Michael," sambit ni Erin.

Pero sa ngayon, hindi pa rin naman daw niya masasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

Ipapaliwanag daw balang araw ni Erin sa kanilang anak nang walang takot at mangangailangan siya ng sapat na lakas ng loob.

At dahil nga lalaki ang kanilang anak ni Michael, “Labis kong pinaghahandaan ang pagdating ng puntong iyon sa buhay namin at ng bata.”

Nabanggit din ni Erin na napapansin niya sa mga kilos ng bata na naghahanap ito ng ama.

Kuwento niya, "Nung moving-up ceremony niya, gusto niya magkatabi kami ni Michael, gusto niya nakikita niya kami na magkasama."

"Pero ayoko naman na ako yung mag-first move.

"Sa akin naman kasi, okey lang, kasi pareho naman kaming masaya na ang buhay, may kanya-kanya na rin naman kaming love life.

"Para sa bata na lang.

"After nga ng moving-up ceremony, gusto ni bagets na habang naglalakad kami, hawak niya yung isang kamay ni Michael at sa kabila naman ay sa akin.

"Ayaw kasi niya na hindi kami magkakasamang tatlo. Pag may naiiwan, umiiyak siya.

"Gusto talaga niya magkakasama kaming tatlo."

Dagdag pang kuwento ni Erin, "May ipinakita nga siya sa aking drawing kung saan may isang bahay, sasakyan, 'tapos may tatlong taong nakalagay.

"Ang nakasulat, 'Mommy, Daddy,' at siya."

Kumusta naman ang relasyon ng kanyang anak sa kasalukuyan niyang boyfriend?

Ayon kay Erin, "Okey naman sila, hindi ganun sobrang close, pero okey sila." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw raw niyang lumaki ang anak na may nakikitang ibang father figure.

“Gusto ko si Michael lang ang makilala niyang ama.”


Stories We Are Tracking

Michael Pangilinan admits he is going to be a dad
Michael Pangilinan admits he is going to be a dad
Michael Pangilinan to file visitation rights for his son
Michael Pangilinan to file visitation rights for his son
Erin Ocampo admits ongoing child custody case
Erin Ocampo admits ongoing child custody case
Michael Pangilinan's birthday wish to see son not granted
Michael Pangilinan's birthday wish to see son not granted


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN