Rochelle Barrameda still seeks justice for sister Ruby Rose's murder after 11 years

IMAGE Courtesy: Rochelle Barrameda Labarda on Facebook

Hustisya pa rin ang sigaw ng pamilya ni Rochelle Barrameda dahil makalipas ang 11 taon matapos paslangin ang kanyang kapatid na si Ruby Rose Barrameda-Jimenez (right), wala pa ring nangyayari sa kaso laban sa dating asawa nito, biyenang lalaki, at tiyuhin. 


Hindi pa rin sinusukuan ng pamilya ni Rochelle Barrameda ang kasong murder na isinampa nila laban sa pinaghihinalaang pumatay sa kanyang nakababatang kapatid na si Ruby Rose Barrameda-Jimenez, may 11 taon na ang nakalilipas.

Si Ruby Rose ay natagpuang nakasilid ang bangkay sa drum, dalawang taon matapos itong mawala habang pinaglalabanan ang kustodiya para sa kanilang mga anak ng asawang si Manuel "Third" Jimenez III.

Si Third, ang kanyang amang si Manuel Jimenez Jr. at tiyuhing si Lope Jimenez ay kabilang sa mga sinampahan ng kasong murder.

Sa Facebook ngayong Huwebes, May 10, isang mahabang mensahe ang ibinahagi ni Rochelle patungkol sa itinatakbo ng kaso ng kapatid.

Panimula ng aktres, “Kahit pala nanalo na kami sa Supreme Court, kailangan pa palang i-hearing ito kung may probable cause.

“’Di ko na alam ano bang batas ang dapat sundin dito sa Pilipinas.

“’Di ko na rin alam sino pa ba ang dapat naming lapitan para matulungan at mabigyan kami ng tamang kasagutan dahil wala kaming private lawyer.

“Iba-iba kasi ang mga opinyon ng bawat abugado. Iba-iba rin ang sinasabi nila.

“Nakakalungkot lang ng sobra kasi next month, Retrieval Anniversary na naman ni Ruby.

“11 years na siyang wala sa amin pero hanggang ngayon wala pa ring linaw at parang lalong lumalabo.

“Pero di pa rin kami nawawalan ng pag-asa. Lalaban pa rin kami.”


“LORD, BAHALA KA NA.” Dagdag pa ni Rochelle, ipinagtataka nila kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring arrest warrant ang mga mga akusado.

“Last April 5, 2018 nag-hearing kami para sa motion namin for the arraignment of the 'X' husband, Manuel Jimenez III.

“Sabi ni judge, ‘Talaga bang wala pa itong warrant of arrest?’

“E, wala naman talaga! Kaya nga yun ang lagi namin pina-follow up.

“So, sabi niya itsi-check niya at kung talagang wala, maglalabas siya ng warrant of arrest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ang tagal, umabot ng 1 buwan, hanggang sa nag-check na ‘ko sa prosecutor namin.

“Nalaman ko na nag-file pala sila ng motion.

"Nakakapagtaka kasi wala kaming natanggap na copy para alam namin na may ganyan palang kaganapan.

“So, ayan pala ang mga finile nila na dapat i-hearing sa May 23.”

Sa huli, ipinasa-Diyos na lamang ni Rochelle ang kahihinatnan ng kaso ng kanyang kapatid.

Iisa lang daw ang tanging hiling nila—hustisya.

Sabi pa niya, “Lord, bahala ka na. Alam mo naman kung ano ang nilalaman ng puso namin.

“HUSTISYA lang para sa mahal naming si Ruby Rose!

“Mabigat sa aking kalooban pero humingi po ako ng lakas at pasensiya na harapin pa rin ang kaso ng kapatid ko.

“Tama at patas na paglilitis at ‘wag sana mapasukan ng alagad ng masama ang mga taong inaasahan namin na magbibigay ng tamang judgement.”


Stories We Are Tracking

Family of Ruby Rose Barrameda-Jimenez identifies her remains
Family of Ruby Rose Barrameda-Jimenez identifies her remains
Rochelle Barrameda wishes murdered sister's children come to the wake
Rochelle Barrameda wishes murdered sister's children come to the wake
<strong>PEP EXCLUSIVE:</strong> Family of Ruby Rose Barrameda-Jimenez cries for justice
PEP EXCLUSIVE: Family of Ruby Rose Barrameda-Jimenez cries for justice
Rochelle Barrameda continues to seek justice for murdered sister Ruby Rose
Rochelle Barrameda continues to seek justice for murdered sister Ruby Rose

THE RUBY ROSE MURDER CASE. Noong March 14, 2007, naiulat na bigla na lamang nawala si Ruby Rose at hindi na makita ng kanyang mga kaanak.

Hiwalay na siya noon sa estranged husband niyang si Manuel "Third" Jimenez III.

Kasalukuyang umuusad noon ang custody case nila sa korte dahil hiniling ni Ruby Rose na sa kanya mapunta ang pangangalaga ng dalawang anak na babae.

Pagkatapos ng mahigit dalawang taon, noong June 10, 2009, nakatanggap ng impormasyon si Rochelle kung saan matatagpuan ang bangkay ng kanyang kapatid.

Kalaunan, na-recover ang mga labi ni Ruby Rose sa ilalim ng dagat na may halos dalawang kilometrong layo mula sa Navotas fishport.

Nakalagay ito sa isang metal box na kinapapalooban ng isang drum, kung saan nakasiksik at nakasemento sa loob ang bangkay na nakatali at nakaplastik pa ang ulo.

Kasunod nito, sinampahan kaagad ng kasong murder ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Department of Justice (DOJ) ang asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III, ang ama nitong si Atty. Manuel Jimenez Jr., tiyuhin nitong si Lope Jimenez, at mga tauhang sina Manuel Montero, Spike Discalzo, Eric Fernandez, Robert Ponce, at Rudy dela Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

DOJ files murder charges against suspects in Ruby Rose Barrameda-Jimenez case
DOJ files murder charges against suspects in Ruby Rose Barrameda-Jimenez case
<strong>PEP SPECIAL REPORT:</strong> Where is Atty. Manuel Jimenez Jr.?
PEP SPECIAL REPORT: Where is Atty. Manuel Jimenez Jr.?
<strong>Ruby Rose Murder Case Update:</strong> Prosecuting lawyers want current judge off the case
Ruby Rose Murder Case Update: Prosecuting lawyers want current judge off the case
<strong>PEP EXCLUSIVE: </strong>Ruby Rose Barrameda Murder Case Update: DOJ orders filing of parricide against Manuel Jimenez III
PEP EXCLUSIVE: Ruby Rose Barrameda Murder Case Update: DOJ orders filing of parricide against Manuel Jimenez III


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN