Bea Alonzo believes in marriage but not in divorce

IMAGE Mark Atienza

Bea Alonzo on her opinion about divorce: "Kasi para sa akin, napakaimportanteng commitment ng marriage. Di ba? Why get married if you're going to get a divorce eventually or may option for divorce? Para sa akin lang naman 'to, and I don't judge the people who believe in divorce and who are going through divorce."


Base sa titulo ng bago niyang pelikula sa Star Cinema, naniniwala ba si Bea Alonzo sa kasal at nakikita niya ba ang sariling magpapakasal sa loob ng limang taon?

Saad ng 30-year-old actress, “Ako, I believe in marriage.

“That’s certainly a sign of commitment.

“Pero I also believe na yun ang bagay na hindi mo napaplano.  

“Hindi ko masabi [na] five years from now... hindi ko masabi.”

Patuloy ni Bea, “Ako, naniniwala ako na dapat sinusunod mo na lang ang nararamdaman mo, e, sa bagay na ‘yan.

“I have friends who are already married and most of them, sinasabi nila sa akin na kapag na-meet mo na ang tamang tao, you’ll just know when it’s time to get married.

“At gaya nga ng sabi ko, hindi mo siya mapaplano.

“Dapat hindi siya yung parang binibigyan mo ng deadline o timeline ang sarili mo.

“Kasi sabi nila, kapag biniyayaan ka ng tamang tao, malalaman mo na siya yun at when to get married.”

Hindi naman daw naniniwala si Bea na dapat nang i-legalize sa bansa ang divorce.

Ayon kay Bea, “I guess, it’s just my opinion and without judgment to those who believe in divorce.

“Ako, I don’t believe in divorce.

“Kasi para sa akin, napakaimportanteng commitment ng marriage.

“Di ba? Why get married if you’re going to get a divorce eventually or may option for divorce?

“Para sa akin lang naman ‘to, and I don’t judge the people who believe in divorce and who are going through divorce.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Bea sa presscon ng Kasal, ang unang handog ng Star Cinema para sa 25th anniversary nito. 

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant sa ELJ Building, ABS-CBN Compound, Quezon City, noong Martes, May 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REUNION PROJECT WITH DEREK. Balik-Kapamilya si Derek Ramsay, ang isa sa leading men ni Bea sa Kasal

Bago nito ay ilang pelikula na rin ang pinagsamahan nila.

Kumusta ang muli nilang pagsasama makalipas ang ilang taon?

Ayon kay Bea, “It feels great, actually, sa And I Love You So, hindi small ang role ni Derek dun, it was a love triangle.

“Yung role ni Derek dun, parang pareho sila ni Sam [Milby], and it feels good na makatrabaho ulit si Derek, kasi may ibang chemistry rin.

“Parang napi-feel ko na when we do scenes together, napi-feel ko na parang ang dali, ang dali ng lahat. Nagkakaintindihan kami.

"At yung napapanood ko sa monitor kapag preview, natutuwa ako. 

“Sabi ko, 'Na-miss ko talaga si Derek.”

Patuloy ni Bea, “At palagi kong sinasabi ‘to sa mga past interviews ko na parang si Derek is born to be a leading man.

“Kasi, di ba, ang guwapo, ang lakas ng sex appeal, and he’s a good actor.

“So, parang may mga tao talagang ganun, born to be an actor, to be a leading man.”

Ipinaliwanag naman ni Bea kung bakit wala siyang nagawa kahit na isang pelikula noong 2017.

Aniya, “I was busy doing A Love to Last.

“Na-extend yung soap opera kaya buong taon po yun na yun ang pinagkaabalahan ko, and almost every day po kaming nagte-taping kaya wala po talagang chance sa schedule ko.”

Pero babawi naman daw ngayong 2018 si Bea na tinatagurian na ngang "Movie Queen."

Bukod sa Kasal, na ipalalabas na sa May 16, may dalawang pelikula pa siyang ginagawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN