Patricia Javier admits taking ecstacy in the past because of love

IMAGE Arniel Serato

Ang pagka-in love daw sa isang lalaking may asawa na ang naging dahilan noon ni Patricia Javier kaya siya gumamit ng ilegal na droga. 


Umamin si Patricia Javier na sinubukan niya noong gumamit ng ipinagbabawal na gamot dahil sa pag-ibig.

Nangyari raw ito nong taong 2002, kung kailan nakarelasyon niya ang isang kilalang negosyante na kalaunan ay natuklasan niyang mayroon na palang pamilya.

Ang negosyanteng nakarelasyon ni Patricia ay si Cedric Lee, na nagkaroon din ng anak sa actress-singer na si Vina Morales.

Lahad ni Patricia, “Masasabi ko nung medyo… because of love, alam naman ng mga tao yun na na-in love ako sa may asawa, so parang yun na.

“Because of that situation, there was a time na I tried to take ecstacy.

"Yung ecstacy na yun, pag tinake mo, parang love, love, love lang.

“Parang nawawala yung ano mo... yung lungkot.

“Pero ang napansin ko, after mawala yung ano epekto na yun, ang mangyayari nun, sobrang double-double yung sadness mo.

“So, hindi siya maganda na gamitin talaga.”

Dalawang buwan lang daw niya itong sinubukan at tinalikuran din agad.

Ayon pa kay Patricia, “Kasi ang ano lang naman sa akin, hindi kasi ako umiinom, e, I don’t drink liquor.

"So, ngayon, one of my friends said, ‘O, try mo ‘to, para you feel happy.’

“Kaya yun, na-try ko yun, kaya alam ko kung ano yung experience ko dun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Patricia sa presscon ng Ignite: Regine Tolentino dance concert kahapon, May 9.

LOVE OF GOD. Sabi ni Patria, ang pagtitiwala sa Diyos ang tanging paraan upang magkaroon ng forever happiness ang isang tao.

Aniya, “And then, meron akong isang na-try na masasabi ko sa ating lahat na ito, pag ito yung tinanggap sa katawan mo, you will experience forever happiness, which is the love of God.

“Yun pala talaga yung missing in my life at that time, kasi nga… nung tinalikuran ko lahat nung hindi maganda, nagkaroon ako ng mabuting asawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya na ngayon si Patricia sa piling ng mister niyang si Dr. Robert Walcher at ng dalawa nilang anak.


Stories We Are Tracking

Patricia Javier regrets past with Cedric Lee
Patricia Javier regrets past with Cedric Lee
Patricia wants to disassociate herself from Cedric issue
Patricia wants to disassociate herself from Cedric issue


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN