Sharon Cuneta refutes netizen's accusation of bragging about her riches

IMAGE Instagram (Juan Sarte)

Sharon Cuneta's Instagram post about her first trip to Japan in 1982 with $10,000 pocket money elicited hate comment from a netizen. The Megastar and her supporters react.


Inalmahan ni Sharon Cuneta ang akusasyon ng isang netizen ng “pagyayabang” at “pagsasampal” umano ng kanyang yaman sa social media.

Hindi na mababasa ang komento ng netizen na nang-bash kay Sharon, pero may ilang fans na binanggit ang pagbatikos nito sa kanilang idolo.

Nagsimula ito nang mag-post sa Instagram ang Megastar ng pakikipagkita niya sa mga kaibigan sa Japan kahapon, May 9.

Nagbalik-tanaw rin si Sharon sa kauna-unahan niyang pagbisita sa Japan noong 1982, nang 16-anyos pa lang siya, kasama ang kuya niyang si Chet Cuneta.

THE ACCUSATION. Sa comments section, ibinahagi ni Sharon na binigyan silang magkapatid ng kanilang yumaong ama, si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta, ng tig-US$10,000 pocket money nang magbakasyon sila sa Japan noong 1982.

Sa ilang comments na pagdepensa ng fans sa Megastar, matutukoy ang pinanggalingan ng isyu.

Tila may isang basher na nag-aakusa sa Megastar ng pagyayabang dahil sa malaking halaga ng pocket money na ibinigay ng kanilang ama.

Sabi pa raw ng basher, “poor people starved in the country.”

Base sa isa pang comment, inakusahan din si Sharon na “isinasampal nito ang kanyang yaman."

Sumagot naman dito ang actress-singer.

Aniya, kung gusto niyang isampal ang kanyang kayamanan, hindi niya tutukuyin ang US$10,000 pocket money na bigay ng ama.

Depensa ni Sharon at ng supporters, mababa pa ang exchange rate ng piso sa dolyar noong 1982.




Nagkomento rin si Sharon na may mga taong hinihila pababa ang iba para lang umangat.

“Many people have to pull other people down in order to feel better about themselves…”  bahagi ng comment ni Sharon.

Aniya pa, nagsasabi siya ng totoo, pero hindi tamang ibahin ang konteksto ng kanyang kuwento.


Base sa impormasyon sa internet, lumalabas na ang isang dolyar noong 1982 ay katumbas ng P9.46 o wala pang P10.

Depensa pa ng isang supporter, “spoiled” mang pinalaki si Sharon ay humble pa rin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento rito ni Sharon, “Spoiled po ako ni daddy pero never kami hinayaang maging mga brats!”


Sinabi rin niya na ang halaga ng pocket money na binanggit niya ay hindi pagyayabang kundi pagsasabi lang ng “fact.”


Sinagot din ng Your Face Sounds Familiar Kids judge ang isang netizen na nagsabing masuwerte siyang ipinanganak na mayaman pero nananatitiling humble.

Ayon kay Sharon, “We have our own struggles too. Pare-pareho lang tayo, iba iba lang ang sitwasyon.

"Baka mas nakakatakot pa po yung akin.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN