Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli spotted at Judy Ann Santos's birthday celebration

IMAGE @chefgenegonzalez on Instagram

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli join the surprise birthday celebration for Judy Ann Santos-Agoncillo.


Happy together muli ang magkasintahang sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Sa ginanap na surprise birthday party para kay Judy Ann Santos-Agoncillo kagabi, May 10, magkasamang dumalo ang dalawa at masayang nakipag-jamming.

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

A post shared by Sarah Geronimo Fan (@isgfan) on

Matatandaang noong mag-meltdown si Sarah sa This 15 Me concert niya sa Las Vegas, Nevada, isa ang boyfriend sa mga unang nagpaabot nang words of encouragement.

Sa huli, sinabi pa ni Matteo, "I love you my love. I miss you."


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown
Matteo posts message of support for Sarah after breakdown

Halos isang buwan ding wala sa Pilipinas si Sarah dahil sa sunud-sunod niyang concert sa U.S. kasunod ng 15th anniversary concert niya sa Smart Araneta Coliseum noong April 14.

Tatlo ang naging shows niya sa California, at tig-iisa sa Nevada, Chicago, at New York.

NOT YET. Mahigit apat na taon na rin ang relasyon nina Sarah at Matteo.

Kaya naman, di maiwasan sa mga indibidwal na interbyu sa kanila ang tanong tungkol sa planong pagpapakasal.

Sa panayam kay Matteo kamakailan, natanong ang 28-year-old Kapamilya tungkol sa umano'y pagpo-propose niya kag Sarah.

Ito kasi ang naging hinuha ng ilang nakanood sa Araneta concert ng tinaguriang Popstar Royalty dahil sa emosyunal na pagkanta niya ng "Leaving on a Jetplane."

Sagot ni Matteo, "Wala pa naman, hindi pa… hindi."

May plano na ba silang magpakasal?

Sagot niya, “I thought 28 was the best, but, you know, in life, doors open, things change."

Sa kabilang banda, sa This 15 Me concert ni Sarah sa New York, isang fan ang sumigaw sa audience ng, "Mag-asawa ka na!"

Pabiro naman itong sinagot ng 29-year-old singer-actress, "Huwag po kayong ganyan. Kausapin n'yo po yung nanay ko."


Stories We Are Tracking

Sarah G responds wittily to fan suggestion: Mag-asawa ka na!
Sarah G responds wittily to fan suggestion: Mag-asawa ka na!
Matteo denies proposing to Sarah in Palawan
Matteo denies proposing to Sarah in Palawan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN