Dr. Vicki Belo scores priceless photo op with Floyd Mayweather Jr.; says Pacquiao is "still number 1"

IMAGE Vicki Belo Instagram

Dr. Vicki Belo relates her chance encounter with world boxing champion Floyd Mayweather Jr. outside a mall in Makati City last night, May 10.


Parang nanalo sa lotto si Dr. Vicki Belo pagkatapos siyang makapag-picture kasama ang world boxing champ na si Floyd Mayweather Jr.

Nasa Pilipinas ngayon si Mayweather para sa isang bakasyon at pagbigyan ang kaibigang Pinay sa paanyaya nitong silipin at ma-experience ang ganda ng ating bansa.

Nang magpunta si Mayweather sa Greenbelt Mall sa Makati City nitong Huwebes, May 10, nakasuwerte si Vicki na makapag-picture sa America boxer.

Makikita sa Instagram post ni Vicki ang larawan nila ni Mayweather, na nakasilip sa bintana ng sinasakyan nitong limo.

Paalis na raw noon ang American boxer, pero sumenyas lang daw si Vicki sa nakasaradong bintana ng SUV ni Mayweather para sa isang picture taking, at hindi nya inaasahang pagbibigyan siya nito.

Ayon sa celebrity cosmetic surgeon, napakapalad niya dahil sa dami ng mga nagnanais magkaroon ng photo op kay Mayweather ay siya lang ang napagbigyan.

Kaibigan ni Vicki at endorser ng Belo Medical Clinic si Jinkee Pacquiao, misis ni Senator Manny Pacquiao na tinalo ni Mayweather sa boxing bout.

Kaya nagpasintabi si Vicki sa Pambansang Kamao at sinabing love niya pa rin ito kahit nag-abala siya kay Mayweather.

Here ‘s the Blow by Blow : - 1 . When I got to GB 4 , Floyd Mayweather was already inside the black SUV with a 3 car convoy ready to leave . People waiting outside Louis Vuitton said he refused to have pictures with anyone - 2. I stood in front of a black tinted window and signed language if I could take a picture . - 3. To my surprise , he rolled down the window and I took a picture of him. He then said , come here and take a picture with me . Hence , the second picture . - 4 . So nice of him right? I feel like I’ve won the lotto because of all the people there I was the only one who got a picture . ( PS you’re still number 1 with me Sen. @mannypacquiao ) #FloydMayweather #Pacquiao #Mayweather #pacquiaomayweather #boxing #poundforpound

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo) on

Sa kanyang sumunod na IG post, ibinahagi naman ni Vicki ang pagpapa-picture sa kanya ng maraming fans.

Ayon sa cosmetic surgeon, ang mga taong nagpa-picture sa kanya ay nabigong makapagpa-picture kay Mayweather.

“Here’s the funny part, because the crowd waiting for Floyd Mayweather wasn’t able to take a photo with him (and) I was the only one allowed to take a photo), they asked to take my photo instead. They’re so sweet.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN