Sanya Lopez happy for Rocco Nacino and his girlfriend Melissa Gohing

IMAGE Melissa Gohing Instagram / Sanya Lopez Instagram

Sanya Lopez (right) explains why her closeness with Rocco Nacino did not go to the next level: "Hindi ko pa kayang mag-boyfriend o pumasok sa isang relationship." Rocco is now in relationship with volleyball player Melissa Gohing (left photo).


Masaya si Sanya Lopez dahil natagpuan na ng love team partner niyang si Rocco Nacino ang babaeng mamahalin nito sa katuhan ng volleyball player na si Melissa Gohing.

Dating na-link sina Sanya at Rocco, at nagkasama sila sa mga programang Encantadia at Haplos.

Ayon sa Kapuso actress, "I'm very happy kasi natagpuan na niya ang kanyang forever.

"Actually, alam ko na siya before pa, siyempre happy ako at kaming mga kaibigan niya sa kanila.

"Nakita namin si Rocco noon at ngayon na sobrang saya niya, at least ngayon nakita na niya ang forever niya.

"At nandito kaming mga kaibigan niya para suportahan siya sa kanyang love life at sa lahat ng mga gusto niyang gawin.

"Nakita ko naman sila na sobrang saya nila sa isa't isa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya sa Pistang Barangay ng Barangay LSFM 97.1 na ginanap sa Pasig City kamakailan.

SINGLE BUT HAPPY. Kumusta naman ang puso ni Sanya?

"Okey naman! Masaya kahit single, single pa rin since birth!" natatawang sagot ng 21-year-old actress.

Ano ang nangyari sa kanila ni Rocco? Hindi ba nagtuloy-tuloy sa mas romantic na relasyon ang dating closeness nila?

Sagot ni Sanya, "Ay, hindi. Hindi talaga, ang nangyari kasi, talagang close kami.

"Nandoon kami sa point na nagsi-share kami ng mga secrets, pero friends lang kami.

"Kasi, parang ako, hindi ko pa kayang mag-boyfriend o pumasok sa isang relationship, kasi hindi pa talaga ako handa."

Kuwento pa niya, "Saka parang nung mga panahon na yun, mas naka-focus ako sa Encantadia.

"'Tapos nung dumating yung Haplos, parang ngayon ko pa lang kasi na-experience na magkaroon ng ganitong kalaking project, kaya mas gusto ko mag-focus dito.

"Kaya naman lahat ng atensiyon ko, ibinigay ko sa work."

Ano ba ang qualifications ng lalaki ang gusto ni Sanya?

Aniya, "Mas more ako sa attitude, personality, kung papa'no siya pupunta sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko kasi manliligaw siya, hindi sa akin kung hindi sa pamilya ko muna.

"Gusto ko, gusto din siya ng pamilya ko. Gusto ko yung marespeto at loyal, at mahal na mahal ka."

Gusto rin daw niyang maranasang maharana.

"Oo naman, ang lakas maka-girl pag hinarana.

"Pero gusto ko, ang kakantahin niya, 'Perfect' [ni Ed Sheeran], para kasing ang ganda-ganda ko dun!" masayang sabi ni Sanya.

Hindi pa raw masabi ni Sanya kung kailan siya mai-in love.

"Hindi ko rin kasi alam.

"Hindi natin masasabi if kailan, kusa na lang kasing dumarating at nararamdaman 'yan.

"Saka depende kay Kuya Frank [Mallari, ang kanyang manager]! Hahaha!

"Pag napatayuan ko na daw ng bahay yung lupa namin sa Tagaytay."

Patuloy ni Sanya, "Iba kasi yung may makikita ka na naipundar sa pagtatrabaho mo.

"At least, wala ka mang boyfriend, pero may maganda kang tinitirhan."

NOT JOINING PAGEANTS FOR NOW. Busy raw si Sanya ngayon sa paghahanda para sa kanyang next project.

Kuwento niya, "Sa ngayon, workout, 'tapos tamang tulog, 'tapos diet lang.

"Merong mga guestings, more on regional shows.

"And then, may workshops kami, yung kay Sir Anthony Bova."

Dahil pahinga sa trabaho, isinasabay na ba ni Sanya ang pagri-ready sa pagsali sa beauty pageant?

"Hindi pa naman, gusto ko yung naka-set na talaga yung utak ko na ready na ako mag-join.

"Siguro yun yung time na dapat mag-aral na talaga ako.

"Pero if ever naman na mabibigyan ako ng chance na makasali, why not naman?

"Dream ko rin naman siya since bata pa ako."

May pressure ba siyang nararamdaman sa pagsali sa beauty pageants?

"Oo naman," sagot ni Sanya.

"Kasi sa status ko bilang artista, malaki yung expectation ng mga tao, kaya nakaka-pressure talaga sumali.

"Kaya kailangan huwag masyado makampante, dapat paghandaan, dapat pag-aralan, kasi nakamasid sa 'yo lahat halos ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung tipong aabangan nila yung performance mo, sa rampa pa lang hanggang sa question and answer."

Nasubukan na rin daw ni Sanya na mag-train kay Jonas Gaffud ng Aces & Queens, na kilalang trainer ng beauty queens, noong hindi pa siya nag-aartista.

Kuwento niya, "Nakapag-train na rin ako kay Tito Jonas sa Aces and Queens, pero huminto nga ako kasi pinasok ko na rin ang pag-aartista.

"Saka tinanong kasi ako kung ano ba ang gusto ko, pagiging beauty queen ba o pag-aartista?

"Ang sagot ko, pag aartista.

"Kasi nandito na noon yung Encantadia, so sayang naman, kaya naman mas pinili ko munang mag-artista.

"'Tapos nasundan pa ng Haplos kaya...

"Sa akin kasi, yung mabigyan ka ng big opportunity na katulad nito, parang napakahirap na palagpasin."

Dugtong pa niya, "Kaya siguro, if hindi man ngayon, alam kong darating din yung time na sasali ako sa mga beauty pageants at kailangang paghandaan ko yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN