Juancho Trivino denies courting Maine Mendoza: "Hindi ko kinu-consider 'yan sa ngayon."

IMAGE Noel Orsal

Malapit na magkaibigan lang daw sina Juancho Mendoza at Maine Mendoza. Hindi rin daw nililigawan ni Juancho si Maine dahil kagagaling lang niya sa isang relasyon. 


Iginiit ni Juancho Trivino na "special friends" lang sila ni Maine Mendoza.

Sabi ng 25-year-old Kapuso actor, “Close kami, close kami.

“Well, lahat naman ng friends ko po, special.”

Pero bakit hindi mamatay-matay ang isyung higit pa sa pagkakaibigan ang namamagitan sa kanila ng Eat Bulaga! mainstay?

Tugon ni Juancho, “Hindi ko po alam. Hindi ko po alam kung bakit hindi mamatay.

“Pero ako mismo nga, nahihiya na po sa kanila, kasi siyempre nadadamay ang pangalan nila everywhere I go.

"Yung mga post ko sa Instagram [bina-bash] so… yun lang po."

Hindi ba naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Maine dahil sa isyu sa kanila ni Alden Richards, kung saan nag-dirty finger daw si Juancho sa ka-love team ng dalaga?

Ayon kay Juancho, “Hindi naman po, hindi naman...

"In fact, I would ask her sometimes din kung… magku-consult ako sa kanya, kasi siyempre sila naman yun, e [magka-love team].

“And parang sasabihin, ‘Hindi, okay lang ‘yan, wala 'yan, huwag mong intindihin ‘yan.’

“And siyempre, lahat naman ng pananaw, nirerespeto ko naman po—yung pananaw ng fans, yung pananaw ng mga boss namin sa GMA.

"I fully respect everyone."

Marami ang naghinala tungkol sa kanila ni Maine dahil madalas silang magkasama sa mga lakaran.

Ano ang paliwanag niya tungkol dito?

Saad ni Juancho, “Hindi naman naghinala, barkada kasi kami, kami ni Maine, ni Sheena [Halili], at saka yung boyfriend ni Sheena, si Jeron [Manzanero].

"So, magkakaroon talaga ng mga times na we hang out.”

Nililigawan ba niya si Maine?

“Hindi po,” mabilis na sagot ng binata.

Wala rin namang masama kung sakali dahil pareho naman silang single.

Pero ayon kay Juancho, “Siyempre, hindi ko naman kinu-consider ‘yan sa ngayon.

"Kasi, personally kasi, I just came out of a relationship siguro mga last year.

"Gusto ko naman ngayon mag-focus sa career ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa grand media launch ng bagong teleserye ng GMA-7 na kinabibilangan niya, ang Inday Will Always Love You, ngayong Biyernes, May 11.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“VERY PROUD.” Sa Inday Will Always Love You, gagampanan ni Juancho ang role ni Ernest, ang best friend ng karakter ng bidang si Barbie Forteza na si Inday Happylou.

Tumatalakay ang show sa buhay ni Inday Happylou na nagtatrabaho bilang lechon store assistant sa Cebu.

Makikipagsapalaran siya sa Queen City of the South mula Maynila upang hanapin ang kanyang nawawalang ama.

Gagampanan naman ni Derrick Monasterio ang role ni Patrick, pamangkin ng may-ari ng lechon store na pinagtatrabahuan ni Barbie.

Bukod sa tatlo, kasama rin sa cast ang senior stars na sina Nova Villa, Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Tina Paner, at Ricky Davao.

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Kim Rodriguez, Kimpoy Feliciano, Super Tekla, at ang Lumen twins na sina Charrise at Charllote Hermoso.


Masaya raw si Juancho na  mababait ang senior stars sa kanilang mga baguhan.

Saad niya, “Masaya kasi yung mga seniors nakiki-bonding sa amin, sumasama sila tuwing nagdi-dinner out kami.

“Madalas kaming nagkakaroon ng bonding with them.

“Very proud ako sa chemistry ng grupo dahil very close kami at saka medyo weird, in a good way, yung chemistry namin."

Ipalalabas ang Inday Will Always Love You simula May 21 sa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN