Cheng Muhlach, father of Aga Muhlach, dies at 74

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Cheng Muhlach (right) passed away this Saturday morning, May 12, after suffering from cardiac arrest. Cheng is the father of actors Aga (left), Arlene, AJ, and Andrew Muhlach.


Nagluluksa ang pamilya ni Aga Muhlach dahil sa pagpanaw ng kanyang 74-year-old father na si Alvaro "Cheng" Muhlach.


Isinugod si Cheng sa St.Luke's Medical Center nang magkaroon siya ng cardiac arrest kahapon, May 11.

Sumakabilang-buhay si Cheng ngayong madaling-araw ng Sabado, May 12, habang natutulog siya sa kanyang hospital room.

Napagkasunduan ng buong pamilya na iburol ang labi niya sa Heritage Park sa Taguig City.

Si Cheng ang nakababatang kapatid ng former movie queen na si Amalia Fuentes.


Sinubukan din niyang mag-artista noong dekada '70.

Ang Heredera at Durugin ang Mga Diyablo sa Punta Fuego ang ilan sa mga pelikulang ginawa niya noon.


Naulila ni Cheng ang kanyang mga anak na sina Aga, Arlene, Albert, Aaron, Almira, AJ, at Andrew.


Cheng Muhlach with son Andrew Muhlach


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN