Cristine Reyes unfollows Ali Khatibi on Instagram; sparks marital problem anew

IMAGE Instagram

Netizens are asking if Cristine Reyes and Ali Khatibi are having marital problems. This came after noticing that Cristine has unfollowed Ali on Instagram and they haven't posted photos of them together recently. 


Maraming netizens ang nagtatanong ngayon kung may pinagdadaanan ang mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi.

Ito ay bunsod ng recent posts nina Cristine at Ali sa kani-kanilang Instagram accounts, kung saan mapapansing wala silang kuhang magkakasamang buong pamilya.

Nitong nakalipas na linggo, mapapansin ang posts ni Cristine sa beach kung saan ang anak na si Amarah lang ang kasama niya.

Sa isa pang post niya nitong Mother’s Day, nag-iisa si Cristine sa larawan habang nasa beach.

Happy Mother’s Day ????

A post shared by twitter: @cristinereyesss (@mrscristinekhatibi) on

Limang tao lang ang pina-follow ni Cristine sa Instagram, at hindi kasali rito si Ali.

Samantala, si Ali ay pina-follow pa rin si Cristine sa Instagram.

Pero gaya ni Cristine, sa recent Instagram posts ni Ali ay hindi niya kasama ang aktres.

Sa comments section ng posts ni Ali, nagkokomento at nagtatanong ang ilang netizens tungkol sa pagsasama nila ni Cristine.

May nagtatanong kung bakit in-unfollow siya ng aktres; kung bakit hindi na sila magkasama sa mga ipinu-post na larawan.

Tila kumbinsido naman ang iba na hiwalay na raw ang dalawa.  








Unang lumabas ang isyung may pinagdadaanan ang pagsasama nina Ali at Cristine noong Enero 2018, nang mag-post ng makahulugang mensahe ang Kapamilya actress tungkol sa pagsasama ng mag-asawa.

Pero nitong March, may maiksing pahayag si Cristine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagsasama nila ni Ali.

Aniya, “We’re fine. We’re both working and, yeah, taking care of our daughter."

Ikinasal sina Cristine at Ali noong January 2016, halos isang taon pagkatapos isilang ng aktres ang kanilang anak noong February 2015.


Stories We Are Tracking

Cristine Reyes denies her marriage is on the rocks
Cristine Reyes denies her marriage is on the rocks

Sa kasalukuyan ay wala pang sagot sina Cristine at Ali tungkol sa mga espekulasyon sa kanilang pagsasama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN