Lovi Poe says she and ex-boyfriend Jolo Revilla are on speaking terms; can't say the same for Rocco Nacino

IMAGE Noel Orsal

Lovi Poe talks candidly about her ex-boyfriends. She said she and Jolo are now both in a good place, but revealed she and Rocco Nacino don't talk anymore.


Magkasama sina Lovi Poe at Rhian Ramos sa GMA-7 prime time series na The One That Got Away.

Magkasama naman sina Rhian at ang ex-boyfriend ni Lovi na si Jolo Revilla sa bagong pelikulang 72 Hours.

Ano ang masasabi ni Lovi tungkol dito?

Bulalas ng aktres, “Jolo and I are super okay!

“I mean, I’m super happy nga na they’re working together.

“'Tsaka kami ni Jolo, we’re on speaking terms.”

Patuloy pa ni Lovi, “Oo, we’re good kasi ano, my God, we were so young and ano, young love yun.

"And now, parang we’re both in a good place.

“Parehong happy at saka talagang okay talaga, happy ako.”

Si Jolo ay vice governor ng lalawigan ng Cavite at masaya na sa piling ng kasintahang si Jodi Sta. Maria.

Habang si Lovi naman ay nananatiling matatag ang relasyon sa Filipino-French boyfriend niyang si Chris Johnson.

Kung may project daw na magkakasama sila ni Jolo ay tatanggapin ni Lovi.

“Yeah!” bulalas niya.

Mayroon nga raw silang dapat pagsasamahang pelikula ni Jolo pero hindi natuloy.

Aniya, “I really wanted to do it, but I said yes to two movies already before dumating, e, nauna na yung dalawa.”

ON ROCCO NACINO. Kung okay na sina Lovi at Jolo ngayon, hindi masasabi ng aktres na ganito rin ang estado nila ng isa pa niyang ex-boyfriend na si Rocco Nacino.

Ani Lovi, “Parang ano, we don’t ano na talaga, wala… we don’t talk anymore.”

Nilinaw rin ng aktres na hindi sila business partners ni Rocco sa restobar na Cable Car sa Bonifacio Global City, Taguig.

“No, never.

“I don’t believe in that, yung being business partner with someone I’m in a relationship with.”

Balita ring may girlfriend na si Rocco sa katauhang ng volleyball player na si Melissa Gohing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tanging pahayag ni Lovi tungkol dito ay, “Well, that’s good.”

Kumusta na sila ng boyfriend niyang si Chris?

“Okay naman. All good! Very chill,” sagot ni Lovi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ON FASHION ICONS AND GIRL CRUSHES. Kapansin-pansin namang mas nagiging bongga ang fashion choices ni Lovi nitong mga nagdaang taon.

Tinanong namin ang dalaga kung sino ang fashion icon na nag-iinspire sa mga stylish outfits niya.

Sagot ni Lovi, “Ang funny kasi may fashion icon ako, pero hindi ko siya sinusundan.

“It’s like gandang-ganda lang ako sa kanya.

“Ang ganda pero hindi ko siya nagagaya, parang may sarili talaga akong vision.”

Sino?

“Si Olivia Culpo. Ang ganda niya!”

Si Olivia Culpo ay modelo at Miss Universe 2012 mula sa Amerika.

Si Olivia ang girl crush ni Lovi.

“Oh my God, yes!”

Nagulat naman si Lovi nang sabihin naming siya ang girl crush ni Rhian. 

“Really?! Nakakakilig naman!”

Pero simula raw nang maging close na sila dahil sa The One That Got Away ay hindi na girl crush ni Rhian si Lovi, kasi nga ay naging super close na sila.

“Parang nawala na yung spark!” at tumawa si Lovi.

Pagkatapos ng The One That Got Away, na ang final episode ay ngayong Biyernes na, sa pelikula naman magko-concentrate si Lovi.

Kuwento niya, “Kasi I’m trying my best not to, na huwag masyadong pagsabay-sabayin yung trabaho because I don’t get to give the quality that I want to give sa work ko.

“Pag may soap, hopefully… I mean, nagagawa naman, pero mas gusto ko talaga na I get to do things one at a time so that I give a hundred percent.

“I don’t wanna go sa kunyari nandito ako, nabigay ko one hundred percent, 'tapos pagpunta ko sa isang set, ito lang nabigay ko kasi pagod ako.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN