JM de Guzman: "Malandi ako kapag wala akong girlfriend."

IMAGE James Patrick Anarcon

Ipinaliwanag ni JM de Guzman na bagamat nami-miss niya ang "lambingan" sa isang relasyon, hindi raw niya niya minamadali ang pagkakaroon ng girlfriend. Gusto raw niyang sulitin ang oportunidad na magbalik-showbiz matapos niyang sumailalim sa rehabilitation program.


Inamin ni JM de Guzman na “malandi” siya kapag siya ay single, pero “sobrang loyal” sa oras na mayroon siyang karelasyon.

Natatawang pahayag ni JM, “Malandi ako kapag wala akong girlfriend, sobra!

“Kapag may girlfriend ako, sobra akong loyal kahit anong mangyari.”

Kung tutuusin ay walang sagabal para kay JM na makipagrelasyon, pero hindi raw ito ang prayoridad niya sa ngayon.

Ayaw raw ni JM na mapunta sa wala ang pinaghirapan niyang pagbabalik-showbiz matapos ng kanyang pagsailalim sa rehabilitation program dahil sa paggamit ng bawal na gamot noon.

Aniya, “Ako rin, matagal na akong naghahanap ng pag-ibig.

“Tatlong taon na akong walang relasyon.

“Hindi ko lang minamadali kasi siyempre kakalabas ko lang din.

“Wala pa 'ata akong isang taon dito sa labas, so kung pagsasabayin ko lahat, baka magkanda-leche-leche.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM pagkatapos niyang sumalang sa PEP.ph Live Interview sa headquarters ng PEP.ph sa Mandaluyong City noong May 10.

Dito ay nabanggit ng 29-year-old Araw Gabi actor na hinahanap niya ang pakiramdam na sinusuyo ng isang karelasyon.

“Nami-miss ko yung mga lambingan,” ani JM.

“Nami-miss ko na yung nagte-text na, ‘Kumain ka na ba? May trabaho ka pa? Sige na, matulog ka na...’

“Nakaka-miss yung ganun, pero siyempre kinokontrol ko lahat ng priorities.”

Ano ba ang ligaw style niya kapag may gusto siyang babae?

Sagot ni JM, “Hinahayaan ko lang yung flow, yung parehong comfortable sa isa’t isa.

“Hindi yung may isa may mai-strain na mapipilitan.

“Kung ipipilit ko naman yung sarili ko, may negative, di ba, kapag mag-uusap kayo?

“Parang may off.

“So, hinahayaan ko lang kung kailan gusto ko, gusto niya, enjoy.”

Bago ito ay pabirong tinukso ni JM sa PEP Live Interview ang kanyang Araw Gabi leading lady na si Barbie Imperial kung posibleng maging sila.

Tanong ni JM kay Barbie, “Puwede ba? Single ka naman ngayon, di ba?”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang muling tinanong ng PEP.ph si JM sa feedback ng ilang manonood na bagay sila ni Barbie sa totoong buhay, umiwas itong magbigay ng direktang pahayag ukol dito.

Nakangiting sabi ni JM, “Ang masasabi ko lang, panahon na ng pag-ibig.

“Lahat ng viewers gusto nila kiligin, yun ang feeling ko.”  


Stories We Are Tracking

JM asks Barbie:
JM asks Barbie: "Single ka naman ngayon, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN