John Lloyd Cruz says no to showbiz interviews; sports new hairstyle courtesy of Ellen Adarna

IMAGE Screen grab from ABS-CBN News / Ellen Adarna Instagram

Tumanggi ang aktor na si John Llloyd Cruz na magpa-interview sa ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual nang magkita sila sa isang art exhibit. Samantala, bago ang hairstyle ngayon ng aktor na ang girlfriend niya mismong si Ellen Adarna ang gumupit.


Tuluyan na bang iniwan ni John Lloyd Cruz ang showbiz?

Ito marahil ang katanungan ng marami pagkatapos mapanood ang video kung saan tinanggihan ng mailap na aktor ang request ng ABS-CBN News reporter na si Mario Dumaual para sa isang panayam.

Ngayong Martes ng gabi, May 15, in-upload ng ABS-CBN News ang isang video kung saan mapapanood si John Lloyd.

Kuha ang video sa Archivo 1984 exhibit na "Reinterpreting Vic Delotavo's Posters for Philippine Cinema" sa UP Vargas Museum. Isa si John Lloyd sa tampok na artists.

Sa simula ng video ay mapapanood si John Lloyd habang nakikipagkuwentuhan sa kapwa niya artists.

Ilang sandali pa ay nilapitan ni Dumaual si John Lloyd. Binati at nakipagkamay naman ang aktor sa veteran ABS-CBN News reporter.

Ngunit nang subukan ni Dumaual na mainterbyu siya, nakangiting tumanggi si John Lloyd at humingi ng paumanhin.

Muling sinubukan ng veteran news reporter na tanungin ang aktor, pero umiwas na nang tuluyan si John Lloyd.

"Hay naku, I don't wanna deal with that. I'm sorry. Excuse me," sabi ni John Lloyd, habang lumalakad palayo kay Dumaual.

Ayon sa artikulong lumabas sa ABS-CBN News, kalakip ng video, tinanggihan ni John Lloyd ang kahilingang sagutin ang ilang katanungan dahil hindi na raw siya nagpapa-interview tungkol sa showbiz.

Noong October 2017 ay nag-take ng indefinite leave mula sa showbiz si John Lloyd dahil sa "personal matters."

Kasagsagan iyon ng mga kontrobersiya kaugnay ng napapabalita pa lamang noong relasyon nila ni Ellen Adarna.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz

NEW LOOK. Samantala, kapansin-pansin sa video na in-upload ng ABS-CBN ang bagong look ni John Lloyd na naka-mohawk hairstyle.

Lumalabas na ang naggupit kay John Lloyd ay ang kanyang girlfriend mismo na si Ellen.

Base ito sa video na in-upload ni Ellen sa kanyang Instagram account ngayon ding araw.

Caption ng sexy star dito: "Today's Agenda."

Nilagyan din ito ni Ellen ng hashtag na "#thingswedoathome."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Today's Agenda ????????????????‍?? #thingswedoathome

A post shared by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on

At base rin sa video na in-upload niya, tila hindi apektado si Ellen sa kasong cyber crime at child abuse na isinampa laban sa kanya ng pamilya ng teen netizen na inakusahan niyang "paparazzi."


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints
Ellen Adarna sued for cyber crime, child abuse complaints


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN