Super Tekla denies gambling addiction, but admits playing bingo

IMAGE Noel Orsal

Kahit hindi pa sila nakapag-usap, super thankful daw ang komedyanteng si Super Tekla kay Willie Revillame dahil kung hindi raw dahil sa host at sa Wowowin, hindi siya makikilala ng mga tao.


Masakit man daw para kay Super Tekla ang pagkatanggal niya sa variety-game show na Wowowin noong June 2017, hindi ito naging hadlang upang magpursigi siya sa kanyang karera.

Pahayag ng komedyante, “Ano lang, kapit lang and, of course, magtiwala ka lang sa sarili mo kasi dadalhin ka ng talent mo [sa tagumpay].”

Isa sa mga isyung lumabas noon na dahilan ng kanyang pagkasibak sa show ni Willie Revillame sa GMA-7 ay ang pagkalulong diumano niya sa casino.

Naging adik nga ba siya sa pagsusugal?

“Naku, hindi totoo yun!" mariing tanggi ni Super Tekla.

Pero pag-amin niya, "Nagbi-bingo talaga ako, pastime.

"Hindi ko naman… napakaipokrito ko naman kung hindi ko…

"Parang, hindi ba puwedeng magsaya, mag-enjoy, mag relax? Time for myself.”

Bukod sa pagsusugal, naging isyu rin ang droga laban sa kanya.

Umamin naman ang Kapuso comedian na nalulong siya noon sa ipinagbabawal na gamot, ngunit nalagpasan na raw niya ito.

Saad ni Super Tekla, “Before. Nalagpasan ko na lahat ‘yan.

"Nung nag-sign [ako] ng contract sa GMA, sobrang clean, nagpa-drug test ako.

"Clear na lahat bago po ako nag-sign as legit Kapuso."

October 2017, pumirma ng exclusive contract si Super Tekla sa GMA Artist Center.

Ano naman ang masasabi niya na pinagkakatiwalaan siya ng istasyon?

Saad niya, “Hindi ko pa mawari sa dami-daming aspiring [artists] na [pagkatiwalan ako].

"Tsaka ang hirap sirain nun, ganun ka-sensitive… kaya panghawakan mo talaga na di puwedeng masira [ang tiwala ng GMA].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Super Tekla sa grand presscon ng Inday Will Always Love You noong Biyernes, May 11.

Ang bagong romantic-comedy show na ito ang papalit sa timeslot na babakantehin ng The One That Got Away, na magtatapos sa Biyernes, May 18.

NO ILL FEELINGS. Halos isang taon na mula nang masibak siya sa Wowowin, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin daw sila nagkakausap ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Super Tekla, “Hindi pa. Pero wala naman kaming ano ni Kuya.

"From my heart, sabi ko kay Kuya, 'Thank you so much.'

“Without Kuya, wala ako ngayon. Kasi, bakit ako minahal ng masa? Through Kuya.”

Dagdag pa niya, “May mga bagay na talagang hindi natin ini-expect mangyari.

"Inano ko na lang siguro kapalaran na talaga yun.

“Yun na siguro yung time na magbukas [ang tadhana] ng ibang opportunity [para sa akin].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN