Barbie Forteza opens up about intimacy in her relationship with Jak Roberto

IMAGE Noel Orsal

Hanggang holding hands pa lamang daw si Barbie Forteza at boyfriend nitong si Jak Roberto. Sabi ni Barbie, "Hindi naman kami nagmamadali. Kung ano lang yung ibigay ko, kung sinabing holding hands lang, holding hands lang."


Parehong busy ang magkasintahang sina Barbie Forteza, 20, at Jak Roberto,24.

Bida si Barbie sa upcoming prime time series ng GMA-7 na Inday Will Always Love You, samantalaang si Jak naman ay bahagi ng afternoon drama series na Contessa.

Paano pa kaya sila nakakapag-date?  

Ayon kay Barbie, “Ayun na nga, ‘tong mga huling linggo, di kami masyado nagkita kasi nag-araw-araw sila ng taping dahil kinailangang umalis ni Glaiza [de Castro].

"So ano, text-text, tawag-tawag, ganun."

Hindi rin daw sila makapag-sked ahead ng lakad dahil may mga biglaang schedule na kailangan nilang gawin.

Pahayag ng Kapuso actress, “Hindi, kasi kapag artista ka, hindi mo naman masabi ang schedule mo.

"Minsan, the day itself sasabihin sa 'yo may schedule ka.

"So, naintindihan naman naming dalawa yun.”

Mag-iisang taon na ang relasyon nila, pero hindi pa raw sila nag-aaway ni Jak.

“Di pa, in fairness,” ang maiksing sabi ni Barbie.

Nagiging normal na tao raw sila kapag nagdi-date silang dalawa.

Dagdag pa ni Barbie, “Kapag naman lumalabas kami, normal naman.

"Nakakapag-mall naman kami nang normal. Kaming dalawa lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa grand presscong ng pinagbibidahan niyang primet time series na Inday Will Always Love You noong Biyernes, May 11.

HOW INTIMATE. Gaano na ba ka-intimate ang relasyon nila ni Jak?

Seryosong sagot ni Barbie, “Si Jak naman ay napaka-gentleman niya pagdating sa mga ganyan.

“Hindi naman kami nagmamadali. Kung ano lang yung ibigay ko, kung sinabing holding hands lang, holding hands lang.

“Siyempre sa public, ang hirap naman ng ganun, kasi pagtitinginan naman ng tao.

"Kahit ako normal na tao, tinitingnan ko pag nag-holding hands sa public, e.

"Masyado namang PDA [public display of affection] agad, so ayun.

“Hindi naman siya mapusok sa mga ganung bagay, napaka-gentleman naman niya.”

Hindi rin naman daw mapusok si Barbie.

Sa tanong naman kung ano ang pananaw niya sa pre-marital sex, natatawa na lang si Barbie sabay pakawala ng malutong na halakhak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Ha?! Ganun na agad? Ewan ko, hindi ko naman na-expereince.

"I mean, sino ako para magsabi, di ba?"

Naniniwala ba siyang dapat virgin pa ang isang babae bago ikasal?

Naging seryoso muli ang Sunday PinaSaya star.

Aniya, “Depende naman po kasi yun sa tao. I can’t speak for everyone.

“May kanya-kanya naman tayong opinyon sa ganyang bagay.

"It’s a very sensitive matter, so sino naman ako para magsalita tungkol diyan?”

Patuloy niya, “Para sa akin kasi, gusto ko i-reserve yung sarili for the right one.

“So, hindi ko lang alam kong paano ko malalaman kung siya na ba ang right one. Ipi-figure out ko pa siya.”

ROM-COM SERIES. Sa May 21 na ang pilot episode ng Inday Will Always Love You.

Ninety percent ng mga eksena ay kinukunan sa Cebu. Kuwento kasi ito ng isang taong umalis ng Maynila upang hanapin ang kanyang nawawalang ama sa Queen City of the South.

Hindi raw naka-focus sa love life ang kuwento ng teleserye nila.

Ayon kay Barbie, “This time, it’s all about family and culture of Cebu.”

Leading men niya rito sina Derrick Monasterio at Juancho Trivino.

Makakasama rin nila sina Nova Villa, Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Tina Paner, at Ricky Davao.

Kabilang din sa cast sina Kim Rodriguez, Kimpoy Feliciano, Super Tekla, at ang Lumen twins na sina Charrise at Charllote Hermoso.


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN