Willie Revillame spotted in serious conversation with President Duterte at the wake of Sen. Edgardo Angara

Namataan sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang TV host na si Willie Revillame na masinsinang nag-uusap sa burol ni dating Senador Edgardo Angara. May kinalaman kaya ito sa usap-usapang papasukin na ni Willie ang pulitika?


Nang pumunta si President Rodrigo Duterte sa burol ni former Senator Edgardo Angara sa Heritage Park, Taguig City, noong Lunes, May 14, sumaglit din siya sa lamay ni Cheng Muhlach para makiramay sa naulilang pamilya ng ama ni Aga Muhlach.

Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pakikiramay ni Duterte sa Muhlach family.

Pero hindi agad lumabas ang impormasyon tungkol sa chance encounter nila ng Wowowin host na si Willie Revillame, na nagkataon ding naroroon sa Heritage Park para makiramay kay Aga at sa mga kamag-anak ni Senator Edgardo Angara.


Isang source ang nagpadala sa Cabinet Files ng mga litrato at video ng pagtatagpo at pag-uusap nina President Duterte at Willie sa Heritage Park.


Dahil dito, lalong lumakas ang mga haka-hakang may plano ang popular television host na pumasok sa mundo ng pulitika sa 2019.

Ayon sa PEP.ph informant, si Senator Sonny Angara ang nakita niyang humikayat kay Willie na maupo sa tabi ni President Duterte.

Seryoso raw ang pag-uusap ng dalawa na tumagal ng halos limang oras.



Ilang linggo nang kumakalat ang balitang may mga political leader ang nakikipag-usap kay Willie at kinukumbinsi itong kumandidato na mayor ng Quezon City.

Ilan sa kanila ay sina House Representatives Winnie Castelo, Bingbong Crisologo, at Ace Barbers, at former Cabinet Secretary Mike Defensor.

Nagkaroon naman ng mga pagdududa na kakandidato si Willie para sa mas mataas na posisyon dahil sa matagal na pag-uusap nila ni President Duterte.

Nakarating din sa PEP.ph ang impormasyong isang popular “ kingmaker” ang kumukumbinsi kay Willie na kumandidato na senador sa 2019 elections.

Sinubukan naming kunin ang pahayag ni Willie sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanya ng mga text message pero hindi siya sumasagot.

Kaya hindi malinaw kung Willie para sa Quezon City o Willie para sa Pilipinas ang posisyon na pipiliin niya, kung sakaling magdesisyon siyang pasukin ang mundo ng pulitika sa 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula nang sumikat si Willie bilang television game show host, hindi nawawala ang isyu na kakandidato siya sa tuwing nagkakaroon ng eleksyon sa Pilipinas dahil pinipili pa rin niyang tumulong at maglingkod sa mga nangangailangan at sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang mga programa sa telebisyon.

Kahit active sa entertainment industry, alam ng lahat na malaki ang pagpapahalaga ni Willie sa privacy nito kaya palaisipan sa lahat ang balitang sasabak na rin siya sa 2019 sa pulitika, na higit na magulo at maintriga kung ikukumpara sa showbiz na gamay na gamay na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN