Marlo Mortel on team-up with Janella Salvador: "Ano pa ang magagawa ko, magpaka-bitter ako?"

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Marlo Mortel admits he felt clueless why his team-up with Janella Salvador suddenly ended. He told PEP.ph and other entertainment press, "Actually hindi ko po rin alam, kasi lahat naman ng projects namin, mabenta kumbaga."


Wala raw ideya ang Kapamilya star na si Marlo Mortel kung bakit naputol o nawala ang love team nila ng dating kapareha niyang si Janella Salvador, ang MarNella.


Bago ang love team nina Janella at Elmo Magalona, o ElNella, sina Marlo at Janella ang unang nakilalang magka-love team.

Ani Marlo, “Actually, hindi ko po rin alam, kasi lahat naman ng projects namin, mabenta kumbaga.

“Yung O.M.G., mataas ang rating. Yung Be Careful With My Heart...yung The Haunted Mansion, top three [sa MMFF 2015].

“So I really don’t know why... nag-Wansapanataym kami, ang taas din ng ratings.”

Sumama ba ang loob niya nang biglang mawala ang love team nila at ipareha na sa iba si Janella?

Sagot ni Marlo, “Napaisip lang ako, kasi nga, dun na pumasok sa isip ko na dapat siguro meron akong co-manager, someone to help me kapag ganoong sitwasyon, kapag yung management nag-decide.

“So, parang wala akong say, kasi wala namang nagma-manage personally.

“Yung Star Magic, of course, is there to help, pero wala yung extra push.”

Inamin naman ni Marlo na nanghinayang siya sa naging love team nila ni Janella.

Aniya, “Nanghinayang ako, kasi marami pa sana kaming puwedeng magawa, pero tanggapin ko na lang. Ano pa ang magagawa ko, magpaka-bitter ako?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainment press si Marlo sa isang pocket interview noong Miyerkules, May 16, sa Uptown Mall, Bonifacio Global City, Taguig.

NO CONFLICT WITH JANELLA'S MOM. Nabanggit namin na noong magka-love team pa sila ni Janella, tila hindi niya naranasang magkaroon ng problema sa ina ng dalaga na si Jenine Desiderio.

Mula kasi nang makapareha ni Janella si Elmo ay naungkat ang tampuhan nila ni Jenine.

“A, okay po kami, we talk,” sabi ni Marlo tungkol sa pakikitungo niya sa ina ni Janella. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Normal lang po, pinag-uusapan din namin yung mommy ko na may cancer.”

Noon bang sila pa ni Janella ang magka-love team ay may hindi na pagkakaunawaan ang kapareha niya at si Jenine?

Ani Marlo, “Well, normal naman siguro yung nag-i-strict ang nanay. Kahit naman sa akin.

“Parang normal fight lang naman before, pero ngayon, hindi ko kasi alam.

“Hindi ko tinatanong.

“Hindi rin naman kasi kami nakakapag-usap ngayon nang personal ni Janella.”

Naisip niya bang masuwerte pa rin siyang hindi nangyari ang mga isyu sa mag-ina noong sila pa ang love team?

Tugon ni Marlo, “Hindi naman ho, kasi ako naman, kahit naman dati, alam ko naman na very nice at maayos akong makisama.

“Kaya hindi ako natatakot na may masabi sa akin si Tita Jenine kasi okey naman.

“The whole time naman na kami ang love team, wala namang ganun.”

NEW CO-MANAGER. Masaya naman si Marlo na ngayon ay co-managed na siya ng Star Magic at ng Mercator, Inc. ni Jonas Gaffud, na siya ring namamahala sa Aces & Queens.

Ngayon lang daw nagkaroon si Marlo ng co-manager dahil itinuturing niyang accidental lang ang kanyang pag-aartista.

“Happy ako dahil for the longest time po talaga, wala akong co-management.

“Dahil accidental lang akong napunta sa Please Be Careful, may sinundo lang ako na girlfriend ko kaya ako nakapasok sa show.”

Idinetalye ng 25-year-old actor-singer kung paano siya na-discover bilang artista at kung paano nabuo ang tambalan nila ni Janella.

“Bale nag-o-audition po ang girlfriend ko dati na talent sa Apoy Sa Dagat, sinundo ko siya.

“Nakita ako ng mga coordinator sa second floor at sinabi nila na mag-audition din daw po ako, hinabol nila ako.

“Hindi rin ako dapat ila-love team kay Janella, nagkatabi kami, maganda raw ang feedback.

“After nun, naging regular na ako at naging second-lead love team na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Saka na ako kinuha ng Star Magic after ng ilang months.”

Makakasama ni Marlo sa Mercator ang beauty queens, models, at mga alagang artista ni Jonas tulad nina Benjamin Alves at Daniel Matsunaga.

Bakit si Jonas ang napili niya bilang co-manager?

Ayon kay Marlo, “Actually, matagal na kaming magkakilala ni Mama J.

“Nagkakasama kami sa mga gimik, dinner.

“Pero meron pa akong iba in mind, then we have a common friend na sabi niya, 'Why not Jonas?'

“E, palagi naman kaming magkasama, pero hindi ko naisip, kasi puro models, puro mga beauty queens.

“Parang, 'Ano na ang mangyayari kapag dun ako nagpa-manage?'”

Ngunit may naipunto ang kanilang kaibigan na sumagot sa alinlangan ni Marlo.

“Sabi niya, 'That’s the thing. Kapag napunta ka dun, ikaw ang iba. At least, ikaw ang artista niya, singer niya.'

“At sabi niya, si Jonas is a manager na marami palaging plans, paangat talaga.”

Ang unang plano at ginagawa na raw nila ngayon ay ang album ni Marlo. 

May nailabas na rin siyang sariling composition, ang "I Pray," isang kantang inspired sa karanasan nila ng kanyang ina na may cancer.

Ni-release ito noong Mother's Day sa YouTube. 

Ayon kay Marlo, “Ang pinakaplano niya [Jonas] sa akin, first step niya is singing.

“And I believe rin naman na yun ang pinaka-strength ko talaga, yun ang alas ko.

“That’s the reason why I entered showbiz talaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN