Ara Mina says sister Cristine Reyes ignored her question about marital problem with Ali Khatibi

IMAGE Arniel Serato

Hinala ni Ara Mina (kaliwa) ay mayroon lamang tampuhan ang kapatid niyang si Cristine Reyes (kanan) at ang asawa nitong si Ali Khatibi kaya in-unfollow ng kapatid ang mister sa Instagram.


Clueless daw si Ara Mina kung may problema ang relasyon ng kanyang kapatid na si Cristine Reyes sa asawa nitong si Ali Khatibi.

Noong Miyerkules, May 16, nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ara upang tanungin kung may alam ba siya tungkol sa estado ng relasyon ng dalawa.

Usap-usapan kasi sa social media na tila may problema sina Cristine at Ali kasunod ng pag-unfollow ng aktres sa Instagram account ng mister niya.

Mapapansin din sa recent Instagram posts ng mag-asawa na wala silang mga larawang magkasama; kundi solo photos lang nila o kaya'y kasama ang anak nilang si Amarah.

Pangako ni Ara sa PEP.ph, tatanungin niya si Cristine tungkol sa isyu.


Stories We Are Tracking

Cristine unfollows Ali on IG; sparks marital problem anew
Cristine unfollows Ali on IG; sparks marital problem anew

Kahapon, Huwebes, May 17, nakausap ng PEP.ph si Ara sa presscon ng upcoming celebrity fun run event na "Tara Na Sa Arena (Run For Down Syndrome)" na ginanap sa Philippine Arena, Ciudad de Victoria, Bocaue, Bulacan.

Dito ay sinabi ni Ara na natanong na niya si Cristine tungkol sa napapabalitang problema sa pagsasama nila ni Ali.

Pero hindi raw siya sinagot ng kapatid.

Aniya, “Well, nag-text ako, hindi niya ako sinagot. Sabi ko, hindi ko muna kukulitin.

“Oo, pag ganun... may dalawa kasi akong tanong, e—about our family outing at yung tinanong mo sa akin.

“Ini-skip niya yun at ang sinagot niya, yung family outing.”

Noong Marso, nag-bonding sina Ara at Cristine kasama ang isa pa nilang kapatid na babae sa Boracay, ngunit hindi raw nila kasama si Ali.

Paliwanag ni Ara tungkol dito, "Hindi, kasi girls ano kasi yun, kaya wala rin yung asawa nung isang sister ko."

Wala ba siyang nararamdaman kung may problemang itinatago si Cristine?

“Wala naman. May normal naman dati na nag-share siya na nagkatampuhan sila, 'tapos naayos naman.

“Pero nung Boracay naman, wala naman siyang nai-share.”

Paliwanag ni Ara, abala ngayon si Cristine sa pelikula nitong Abay Girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Grabeng busy niya ngayon. We'll see, tingnan natin kung magkikita kami. Hindi pa kami nagkikita, e."

Wala ba siyang kutob?

Tugon niya, “Siguro nagkakatampuhan sila.”

Pero dagdag din ni Ara, “Tingnan na lang natin, antayin na lang natin siya.

"Better siya ang sumagot bakit siya nag-unfollow sa asawa niya."

Kung may maibibigay siyang payo sa kapatid, ano kaya ito?

Sabi ni Ara, “Ang ma-advise ko lang, kung ano yung ikasasaya niya, dun siya.

“Kung ano ang tama, dun siya.”

FUNDRAISING EVENT. Ang proyektong "Tara Na Sa Arena (Run For Down Syndrome)" ay isang celebrity fun run na gaganapin sa May 27 sa Philippine Arena.


Inorganisa ito ni Ara para sa mga taong may Down syndrome katulad ng kapatid niyang si Mina Princess Klenk.

Si Mina, kung saan hinango ang screen name ni Ara, ay 26 years old na.


Ara with sister Mina

Ayon sa aktres, "Hindi naman kaila sa inyo na may kapatid akong may Down syndrome, so talagang gumagawa ako ng mga projects, even before, lalo na pag Down syndrome awareness at pag for the benefit ng may Down syndrome."

Sabi pa niya, “Member kasi ako ng Down Syndrome Association of the Philippines (DSAP).”

Layunin ni Ara na makalikom ng malaking halaga upang makatulong sa maraming taong may Down syndrome.

Kabilang sa celebrities na kumpirmado nang lalahok sa event ay sina Diana Zubiri, LJ Moreno, Jimmy Alapag, Say Alonzo, Christine Babao, Jan Marini, Jaycee Parker, at Jenny Miller,

Pagkatapos ng fun run, magkakaroon din ng free concert tampok sina Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, at Martin Nievera.


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN