Bea Alonzo on John Lloyd Cruz: "I miss working with him."

IMAGE Instagram / ABS-CBN News

Bea Alonzo misses working with former leading man John Lloyd Cruz: "He's such a brilliant actor."


Aminado si Bea Alonzo na nami-miss na niyang makatrabaho muli ang dating ka-love team at leading man na si John Lloyd Cruz.

Sa Tonight With Boy Abunda Online Exclusives interview niya noong nakaraang linggo, ipinakita kay Bea ang ilang eksena sa mga ginawa niyang pelikula.

Marami sa mga eksenang ipinakita ay kasama si John Lloyd.

Komento ng aktres patukoy kay John Lloyd, “He's such a brilliant actor.

“Actually, gustung-gusto ko na talaga siyang makatrabaho ulit.

“I miss working with him in a movie.”

Sinang-ayunan ni Bea ang pahayag ni Boy Abunda, host ng programa, na may mga artistang nagkakaroon ng ibang koneksiyon sa kanilang co-star pagdating sa pag-arte.

“Totoo po yun. May mga bagay talaga na kaya mo lang gawin with a co-actor, na may history ka with, na matagal mo nang kilala,” ani Bea.

Ilan sa blockbuster films nina Bea at John Lloyd ay One More Chance (2007), Miss You Like Crazy (2010), The Mistress (2012), at ang pinahuli nilang pelikula na A Second Chance (2015).

Sa teleserye, nagtambal naman sila sa It Might Be You (2003), Maging Sino Ka Man (2006-2007), I Love Betty La Fea (2008-2009), at A Beautiful Affair (2012-2013).

Kasalukuyang hindi aktibo si John Lloyd ngayon sa showbiz.

Naka-focus ngayon ang aktor sa personal na buhay kasama ang girlfriend na si Ellen Adarna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN