Nag-sorry si Diego Loyzaga matapos magalit ang netizens dahil sa pag-post niya sa Instagram ng mga larawang kuha sa Boracay.
Inakala kasi ng ilang netizens na bago lang ang mga larawan ni Diego sa isla, na kasalukuyang sarado sa publiko at sumasailalim sa six-month rehabilitation period.
Kasama ni Diego sa larawan ang mga kaibigan habang sila ay nasa beach.
Sa comments section, nagtanong ang ilang netizens kung paano nakapunta si Diego sa isla ng Boracay dahil sarado ito sa publiko.
“Locals kami,” sagot ni Diego, na lalong ikinagalit ng netizens.
Inakusahan siyang gumamit ng impluwensiya at koneksiyon para makapasok sa isla.
Hindi kasi binanggit ni Diego na throwback photos ang mga ito noong una niya ipinost.


DIEGO EXPLAINS. Bunsod nito, in-edit ni Diego ang kanyang post at inilagay sa caption ang mahabang paliwanag.
Sabi niya, “These photos were taken months ago.
"I only posted to show appreciation to my two friends who are in the photo with me.
“I meant no disrespect to Boracay, the people living there and its current state. I know what's going on there.”
Sinabi rin niyang mayroon silang lupa sa lugar at marami silang mga kaibigang negosyante sa Boracay.
Aniya, mula noong bata siya ay tinutulungan na niya ang inang si Teresa Loyzaga sa pagsasagawa ng mga clean-up projects doon.
“I was not exploiting Boracay in any way,” depensa ni Diego.
“Sorry sa mga nagalit. Although the post may come of quite obnoxious, that was not intended.
“Sorry especially to the people who are living in Boracay and saw this post.
“So for everyone in the comment section that's hating on this post, hopefully this will clear things up,” pagtatapos niya.
Nag-post din si Diego sa kanyang Instagram Story para magpaliwanag.

