Ellen Adarna flaunts baby bump in Amanpulo

by Bernie V. Franco
May 19, 2018
This photo shows Ellen Adarna in full pregnant glory. The sexy star is currently enjoying her vacation with boyfriend John Lloyd Cruz in Amanpulo, Palawan.

Hindi pa nanganganak si Ellen Adarna.

Ito ang nakumpirma ng netizens pagkatapos kumalat sa internet ang ilang larawan ng sexy star habang nasa bakasyon sa Amanpulo, Palawan, kasama ang boyfriend na si John Lloyd Cruz.

Ngayong araw, May 19, isang netizen ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng larawan ni Ellen na kuha sa Amanpulo, Palawan, kung saan kasama ng aktres ang ilang foreigners habang nasa beach.

Pero ang mas kapansin-pansin ay ang malaking tiyan ni Ellen.


Continue reading below ↓

Ito ang patunay na hindi pa isinisilang ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd, taliwas sa mga kumakalat na balitang nanganak na raw ang sexy star.

Walang ibang detalye na inilagay ang netizen na nagpadala ng photo.

Sa ilang entertainment at gossip websites ay may mga lumabas ding paparazzi photos nina Ellen at John Lloyd, kung saan kitang-kita ang baby bump ng aktres.

Ito ang unang pagkakataong natambad sa publiko ang baby bump ni Ellen mula nang unang inilabas ng PEP.ph ang balita tungkol sa kanyang pagbubuntis noong November 2017.

Bagamat may mga pagkakataong nakikita sina Ellen at John Lloyd sa mga pampublikong lugar, tila itinatago ng sexy ang kanyang tiyan sa pamamagitan ng pagsusuot ng maluluwag na damit.

Sa kanila namang Instagram posts ay madalas ding natatakpan ang tiyan ni Ellen.

Ang hinihintay na lamang ngayon ay kung kailan isisilang ng sexy star ang anak nila ni John Lloyd.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This photo shows Ellen Adarna in full pregnant glory. The sexy star is currently enjoying her vacation with boyfriend John Lloyd Cruz in Amanpulo, Palawan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results