Alex Gonzaga draws flak for "Japan, Japan sagot sa kahirapan" post

IMAGE Instagram (Alex Gonzaga)

Alex Gonzaga responds to netizens who accused her of making an "insensitive" comment about overseas Filipino workers in Japan.


Binatikos ng ilang netizens si Alex Gonzaga dahil sa caption niyang “Japan, Japan sagot sa kahirapan” sa kanyang Instagram post.

Ang running joke na “Japan, Japan sagot sa kahirapan” ay naimbento bilang pagtukoy sa dami ng overseas Filipino workers (OFWs) na pumupunta sa Japan upang magtrabaho at makaahon sa kahirapan.

Nitong weekend, nag-post ni Alex ng larawan niya kasama ang inang si Mommy Pinty na kuha mula sa kanilang trip sa Japan.

Bahagi ng caption ng ABS-CBN actress-TV host, “Ang sabi nga nila: Japan, Japan sagot sa kahirapan!”

Minasama ng ilang netizens ang caption na ito ni Alex. Anila, hindi raw nakakatawa ang kanyang biro.



Paliwanag naman ni Alex, bata pa lamang siya ay naririnig na niya ang kasabihang iyon.

“Most of the time, Filipinos move overseas to have better opportunities,” bahagi ng komento niya.

Dagdag pa ni Alex, ang picture ay “joke” nila ni Mommy Pinty na kunwari ay magtatrabaho na sila sa Japan.


Sagot naman ng isang netizen, nagbigay lamang siya ng kanyang opinyon, pero alam niyang hindi lahat ay papabor sa kanya.


Sinagot din ito ni Alex.

Aniya, “Don’t be too sensitive too. Wag lang tayo galit agad. Nag-joke lang ako wala naman akong sinirang buhay.

“Anyway if you find me papansin and OA dahil sa caption ko, don’t worry I’m used to those terms so for me it’s not bullying.”


May netizen pang nagsabi na hindi kayang pagalitan ni Mommy Pinty si Alex dahil matigas ang ulo ng Kapamilya star.

Sinagot din ito ni Alex at sinabing hanggang ngayon ay sinasabihan pa rin siya ng kanyang ina.

“I still follow their curfew and rules.”

Nakatira pa rin daw siya sa kanyang mga magulang.



Samantala, may mga netizen namang kumampi kay Alex at nagkomentong wala silang nakikitang masama sa post ng aktres.

Paglilinaw ni Alex, mataas ang respeto niya sa OFWs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN