Cesar Montano resigns as Tourism Promotions Board chief

IMAGE Facebook photo of Cesar Montano

Cesar Montano files his courtesy resignation as chief operating officer of Tourism Promotions Board to the office of President Rodrigo Duterte.


Nagbitiw na bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB) si Cesar Montano.

Naghain ng courtesy resignation ang aktor sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagitan ng special assistant to the president na si Bong Go.

Walang anumang dahilan na ibinigay si Cesar sa kanyang resignation letter.

Gayunman, hindi maiiwasang maiugnay ang pagbibitiw ni Cesar sa kontrobersiyang kinakaharap ng kanyang pamunuan bunsod ng maanomalyang proyekto ng TPB, ang Buhay Carinderia.

Noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ng bagong-talagang kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Bernadette Romulo-Puyat na imbestigahan ng Commission on Audit (COA) ang mga proyektong inilunsad ng TPB.

Ipinasuspindi rin ang proyekto hanggang wala pang resulta ang imbestigasyon.

Kaugnay ito ng balitang umabot sa PHP320 million ang budget para sa Buhay Carinderia.

Sa kasalukuyan, may PHP80 million nang nailabas na tseke bilang bahagi ng kabayaran sa naturang proyekto.

Sa panayam kay Secretary Puyat noong Huwebes, May 17, sinabi nitong nakausap niya si Cesar upang ipaliwanag ng aktor ang umano'y kawalan ng public bidding para sa naturang proyekto.

Ayon kay Secretary Puyat, sinabi sa kanya ni Cesar na “in good faith” ang mga naging hakbang nito para sa proyekto.

Bagamat naniniwala si Secretary Puyat sa paliwanag ni Cesar, aniya, “Pero sa akin, ang gagawin kong patakaran, lahat transparent, lahat may bidding.”

Noong April 11 opisyal na inilunsad sa media ang Buhay Carinderia sa ilalim pa ng pamumuno ni dating DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Dumalo rito si Linda Legaspi, ang president at CEO ng Marylindbert International, na siyang napiling mamahala sa proyekto.

Nandoon din ang asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff, na itinalagang content creator ng Buhay Carinderia.


Stories We Are Tracking

DOT to probe Cesar about P80M payment for Buhay Carinderia
DOT to probe Cesar about P80M payment for Buhay Carinderia
DOT orders suspension of TPB's Buhay Carinderia
DOT orders suspension of TPB's Buhay Carinderia
Cesar: Teo pushed for P80M payment to Buhay Carinderia
Cesar: Teo pushed for P80M payment to Buhay Carinderia


ABOUT THE AUTHOR

#MatabangReporter Follow @nherzjane on social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN