Gabbi Garcia issues official statement on breakup of love team with Ruru Madrid

IMAGE Instagram (Gabbi Garcia and Ruru Madrid)

Gabbi Garcia on breakup of her love team with Ruru Madrid: "More than anything, look at the brighter side that we get to grow not only as artists, but as individuals in our personal lives as well!"


Naglabas ng official statement si Gabbi Garcia kasunod ng balitang paghihiwalay nila ni Ruru Madrid bilang love team. 

Isa sa mga kilalang love teams sa GMA-7 ang tambalan nina Gabbi at Ruru o GabRu. 

Nitong madaling araw ng Martes, May 22, nag-post ng mensahe sa Twitter ang 19-year-old actress-singer.

Ito ay upang sagutin ang tanong ng mga tagahanga kung bakit binuwag na ang tambalang GabRu.

Ang iba pa nga ay sinisisi si Gabby sa nangyari.


Stories We Are Tracking

Gabbi slams netizen blaming her for GabRu love team breakup
Gabbi slams netizen blaming her for GabRu love team breakup

Pahayag ni Gabbi, "I know some of you may have a hard time accepting what is currently on our plates right now, but please, more than anything, look at the brighter side that we get to grow not only as artists, but as individuals in our personal lives as well!!” 

Hinimok din ni Gabbi ang fans nila ni Ruru na maging positibo sa kabila ng balitang ito.

“I do hope we spread peace & positivity, and remain happy for the success and future projects of each one.

“I hope that this clears the mind of everybody who’s asking about this.”

Ayon pa sa Kapuso star, marami siyang natutunan sa apat na taong tambalan nila ni Ruru.

Pinasalamatan din niya ang mga tagasuporta nila na naging tapat sa kanilang tambalan.

Kabilang sa mga teleseryeng pinagtambalan nina Gabbi at Ruru ay ang My Destiny (2014), Let The Love Begin (2015), Encantadia (2016-2017), at Sherlock Jr. (2018).

Magkasama rin sila sa weekly comedy-variety show na Sunday PinaSaya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN