Vice Ganda says he harbors no ill will towards columnist over Dolphy award issue

IMAGE Allan Sancon

Vice Ganda says his tweets addressing reporter and PEP Troika member Gorgy Rula was done lightheartedly and without anger. He added that he needed someone to step up and defend the stars who seem to be under intense scrutiny. "Pag kami inokray, dapat magkibit-balikat na lang kami. Pag sila ang inokray, iba ang dating."


Hindi raw galit si Vice Ganda sa reporter at PEP Troika member na si Gorgy Rula, na kumuwestiyon sa pagkakapili sa kanya bilang kauna-unahang recipient ng Dolphy Comedy King Award sa upcoming 66th FAMAS Awards.

Noong May 5 ay sunud-sunod ang tweets ng comedian-TV host bilang sagot sa artikulo na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung saan binanggit ni Gorgy na naunahan pa ni Vice si Vic Sotto sa pagtanggap ng nasabing award.

Ayon kay Vice, ito ay naging paraan niya para ipagtanggol ang kapwa niya mga artista na minsan ay biktima ng mga negatibong balita mula sa media.

Aniya, “It’s a big blessing, I’m embracing every single blessing every single day and I am grateful to everything.”

Paliwanag pa niya sa kanyang tweets, "Actually, hindi hurt, hindi ako nahe-hurt, kaya nga nung huling tweet ko, sabi ko, 'Di po ako nagagalit ha.'

"I was actually taking it lightly, ginagawa ko na nga lang katatawanan.

"Pero sabi ko, 'Someone has to step up to defend naman ourselves.'

"May nabasa pa ako, 'Si Vice Ganda Napikon Sa Isang Reporter.'

"Di ako napikon, somebody has to step up to defend ourselves.

"Sabi pa nila dapat, nagpakumbaba na lang ako or nagkibit-balikat na lang ako.

"Pag kami inokray, dapat magkibit-balikat na lang kami. Pag sila ang inokray, iba ang dating."

Dagdag niya, "Dapat give and take lang tayo.

"Bigyan ninyo kami ng pagmamahal, bibigyan din namin kayo ng pagmamahal.

"Kawawa rin naman kasi ang mga artista, someone has to do this para naman di puwede na inookray ninyo lang kami nang inookray, yung ganun.”

Nakausap ng PEP.ph at Cinema News si Vice sa 48th Box Office Entertainment Awards na ginanap sa Resorts World Manila, noong Linggo, May 20.

Itinanghal sina Vice, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach bilang Phenomenal Box Office Stars para sa kanilang pelikulang Gandarrappido: The Revenger Squad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masayang-masaya ang komedyanyte dahil ito na ang pampitong pagkakataong ipinagkaloob sa kanya ang award na ito.

Aniya, “Seventh straight nga, e.

"Yung kauna-unahan silang nagbigay ng Phenomenal Box Office Award nung Praybeyt Benjamin, ako yung recipient nun.

"'Tapos ito yung pampitong beses silang magbibigay, ako pa rin ang tatanggap.

"Again, my heart is full of joy, wala akong maaarte, masayang-masaya ako, punung-puno ako ng pasasalamat dun sa mga tao.

"Kasi, all these years, feeling ko I worked so hard.

"Nire-reciprocate ng mga tao, love yung ibinabalik nila sa mga sakripisyo ko.

"Ako nga, sabi ko, napapagod lang ang katawan ko, pero sila di napapagod ang puso nila sa pagyakap sa akin."

GETTING READY FOR 2018 MMFF. Hiningan din namin ng reaksiyon si Vice sa balitang magsasama sa isang pelikula sina Vic Sotto at Coco Martin para sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Yeah, I am fully aware of that,” pagtukoy niya sa tambalang Vic-Coco sa MMFF. 

Kuwento ni Vice, may konspeto na rin sila ng Star Cinema para sa magiging entry niya sa MMFF ngayong taon.

“Magpi-filmfest ako, ang ganda ng concept ko ngayon.

“Nung nagmi-meeting pa lang kami sa Star Cinema, tawa na kami nang tawa.

“Yung konsepto ng Star Cinema saka konsepto ko, nagbangga, ang ganda, nabuo siya.”

Patuloy ni Vice, “Wala namang taon na hindi mahigpit ang laban, kasi lahat nagtatrabaho nang husto para makapagbigay ng magandang materyal sa mga manonood.

“Every year mahigpit ang labanan, lahat talaga may magandang intensiyon.

"Lahat ng nagtatrabaho sa paggawa ng pelikula, e, ang gusto nila ay maganda ang proyekto nila, kaya lahat iyan talagang masigasig.”

U.S. SHOWS. Kagagaling lamang ni Vice sa Amerika para sa isang five-leg show na balitang lahat ay naging matagumpay at dinumog ng mga manonood.

Labis naman ang pasasalamat ni Vice sa mga kababayan nating tumangkilik sa kanyang shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Ang saya, sabi ko nga nung finale ng last leg, nagyakapan na kami 'tapos umiyak na ako.

“My heart is just full of joy kasi kinukuwento sa akin ng mga producers na nahihirapan na silang magbenta ng tickets ng concerts lately.

“Parang kailangan na nilang isubo sa bibig ng mga ticket buyers para bilhin, ang hirap na.

“Pero yung concert ko, ang dali nilang nabenta, lahat nag-sold out.

"Kaya ang bait lang ng mga tao sa akin, mahal na mahal nila ako.

“Damang-dama ko yung pagmamahal sa akin ng mga Filipino dun sa ibang bansa kaya ang saya-saya ko.”

Dugtong ni Vice, “Sabi ko nga, natapos yung tour, pagod na ang lahat, patay na ang mga katawan nila.

"Sabi ko, in the zone pa ako, parang kaya ko pa ng sampu.

“Hind ako nakaramdam talaga ng pagod, I was so inspired.

“The last time I talked to you, sabi ko I went through something, dumaan ako sa dark side.

“Ngayon, ang saya-saya ng nararamdaman ko, ang liwa-liwanag ng lahat.

"Kaya pasalamat lang ako nang pasalamat sa Diyos sa lahat ng mga nangyayari, sa lahat ng mga tao sa paligid ko.

“Iba ang love na naramdaman ko sa mga taong nakita ko na nanood ng concert ko that time.”


Stories We Are Tracking

Vice on depression: Andami kong pera, ba't hindi ako masaya?
Vice on depression: Andami kong pera, ba't hindi ako masaya?

BETTER HEALTH. Kamakailan ay may inilagay na tubo sa  kidney ni Vice dahil sa mga nakitang kidney stones dito.

Ilang beses ding humingi ng dasal ang TV host dahil sa di birong hirap at sakit na dinanas niya dahil sa karamdaman niya.

Masayang ibinalita ng komedyante na tinanggal na ang tubo sa kanyang bato at umaayos na ang kanyang kalusugan.

Aniya, “Maayos ako ngayon.

“Tuloy pa rin naman ang medication ko, wala na akong stent, wala na akong tubo, okay na ako kaya ang likut-likot ko na naman, ang saya-saya ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon nga ay nagbalik na si Vice sa It’s Showtime, kung saan aminado ang mga manonood na kulang ang show pag wala siya roon.

Masaya rin naman daw ang host sa kanyang pagbabalik.

“Nami-miss ko na, nagpahinga lang ako ng three days extra nung dumating kami ng America.

“Binigyan ako ng three days extra, pero sabi ko I’m so excited to go back to work and serve my purpose again.

“I won’t stop, I am so inspired.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN