Matteo Guidicelli says Sarah Geronimo is happy to be back home after U.S. concert tour

IMAGE Courtesy: @mateoguidicelli on Instagram

Matteo Guidicelli says his girlfriend Sarah Geronimo is happy to be back home after her U.S. concert tour for This 15 Me, and is now busy shooting her movie Miss Granny.


Marami ang kinilig at natuwa sa lumabas na sweet photos nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa nakaraang 40th birthday celebration ni Judy Ann Santos kasama ang pamilya at ilang malalapit na mga kaibigan.

Ang mga litrato nina Matteo at Sarah ay patunay lamang daw na maayos na ngayon ang pakiramdam ng Pop Princess pagkatapos niyang mag-breakdown sa nakaraang show niya sa Las Vegas, Nevada, na bahagi ng U.S. leg ng kanyang This 15 Me tour. 


Stories We Are Tracking

Sarah and Matteo spotted at Judy Ann's birthday party
Sarah and Matteo spotted at Judy Ann's birthday party
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert

Sa 48th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. noong Linggo, May 20, masayang nagkuwento si Matteo sa pagkikita nilang muli ng kasintahan.

Aniya, “We really had good time. Siyempre na-miss ko siya, matagal siya na nawala, e.”

Siniguro rin ng actor-singer na maayos at wala nang dapat ipag-alala ang mga tagahanga at nagmamahal kay Sarah.

“She’s good, she's very okay, she’s busy shooting her movie [Miss Granny].

“She’s fine, she’s back home, she’s very happy to be back home with her dogs and family.”

Wala ba silang balak ni Sarah na mag-out of town uli?

Huli silang nagpunta sa Palawan kung saan sinalubong na rin ni Matteo ang kanyang karaawan noong March 26.


Stories We Are Tracking

Matteo denies proposing to Sarah in Palawan
Matteo denies proposing to Sarah in Palawan

Sagot ni Matteo, “Out of town? Wala pa. I’m busy with Bagani, halos-araw-araw kaming nagte-taping.”

Hindi naman mamatay-matay ang balitang pinag-uusapan na raw nina Sarah at Matteo ang pagpapakasal, pero tumanggi raw ang Pop Princess.

Itinanggi itong muli ng aktor.

Aniya, “Wala pa naman, wala pa.

"Tumanggi? No, of course not.

"Timeline, mayroon, pero siyempre di ko sa sasabihin sa inyo.”

Masayang-masaya naman si Matteo nang gabing iyon dahil inuwi niya ang Best Supporting Actor trophy para sa pelikulang Can’t Help Falling In Love.

Saad niya, “Very nice, I can say it’s surreal, di ko in-expect, di ba?

“But I think I owe it all to Direk Mae Cruz, siya yung direktor namin dun sa movie, siya yung nagga-guide sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I didn’t expect, not really, nung nakita ko yung pangalan ko, parang bonus talaga."

“Ang sarap-sarap ng feeling!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN