Senate President Tito Sotto defends self against bashers: "I'm an easy target."

IMAGE Courtesy: GMA Network Online

Hinamon ni Senate President Tito Sotto ang kanyang bashers na usisain muna ng mga ito ang kanyang track record bilang senador sa halip na punahin ang ilang maling kanyang nagawa. 


Dalawang malaking isyu na ibinabato ng mga kritiko laban sa bagong Senate President na si Vicente “Tito” Sotto III ay ang tungkol sa “plagiarism” at “na-ano” comment nito.

Taong 2012, sa isang speech niya sa Senado tungkol sa Reproductive Health Bill, inakusahan si Senator Sotto ng isang U.S.-based blogger ng pangongopya umano ng ilang bahagi ng kanyang blogs at ginamit ito ng mambabatas sa talumpati nito nang walang maayos na attribution.

Noon namang Mayo 2017, sa Commission on Appointment hearing para kay dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary-designate na si Judy Taguiwalo, sinabihan niya ang dating kalihim na “na-ano” lang dahil mayroon itong dalawang anak ngunit walang asawa.


Stories We Are Tracking

Sen. Tito Sotto draws flak over his
Sen. Tito Sotto draws flak over his "na-ano lang" remark

Ibinabalik ngayon ng netizens sa TV host-comedian turned public servant ang tila mga mali nitong nagawa noon sa pagkatalaga niya ngayon bilang bagong Senate President.

Sa panayam ng State of the Nation ni Jessica Soho sa GMA News TV kagabi, May 22, inamin ng mambabatas na “easy target” siya sa mga kritisismo dahil sa kanyang kasikatan.

Saad ni Sotto, “I try to stay positive as much as possible.

“Dito kasi sa mga namimintas, ang dami naman sa kanila wala lang magawa, e. Ba't hindi nila tingnan ang record ko sa Senate?”

Bukod sa perfect attendance, isa raw siya sa may pinakamaraming naipasang panukalang batas sa halos dalawang dekada na niya bilang mambabatas.

Pahayag ni Sotto, “Hindi lang sa perfect attendance, tingnan muna nila ilang batas na ang ipinasa ko? 160-plus na batas.

"Ang iniisip ko, yung inilalagay ko sa isip ko, yung 17 million Filipinos na bumoto sa akin.

"Hindi yung 300 na bashers o baka less pa.”

POPULARITY. Tanong pa ni Jessica sa senador, bakit naaalala siya ng mga kritiko sa mga nagawa niyang mali at hindi sa marami niyang achievements na nagawa?

Sagot ni Sotto, “E, hindi nga kasi nila alam, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Either hindi nila alam or talagang hindi lang nila gusto yung hilatsa ng pagmumukha ko, or hindi nila gusto yung pulitika ko, ganun lang siguro yun."

Baka naman hindi lang talaga alam ng mga tao ang kanyang mga nagawa?

Tugon ng Eat Bulaga! host, “E, kasi naman, hindi naman ako mahilig magyabang, e.

"Hindi naman lahat ng ipinasa ko or nagawa kong mabuti ay ibinu-broadcast ko sa media.”

Masyado nga bang malakas ang kanyang personality kaya siya inaatake ng bashers?

Sagot ni Sotto, "Siguro, the easiest answer is because I'm an easy target...

"Because of our popularity, together with Vic [Sotto] and Joey [de Leon] and sa programa natin sa Channel 7 [Eat Bulaga!], which is the longest-running in the world. Hindi na lang sa Pilipinas, e.

“Maraming kalaban yung programa na yun, so hindi nakakapagtaka kung mapapag-initan kami.

“So, I’m an easy target.”

Sa ngayon, hindi na lang daw pinapansin ng senador ang mga batikos dahil marami siyang kailangang haraping trabaho sa bago niyang tungkulin.

Ayon kay Sotto, "Basta ako naman, ipagpapasa-Diyos ko silang lahat. Alam ng Diyos kung anong totoo, e.

“So, kung anuman yung paniniwala nila, kung anuman yung bintang nila, sa kanila na yun.

“Hindi naman miserable ang takbo ng isip ko.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN