Julia Barretto says she and Joshua Garcia are "stronger than ever"

IMAGE Romy Pena Cruz

Julia Barretto says it's normal for people, even love teams, to go through trials and challenges. She and love-team partner Joshua Garcia recently overcame an intrigue that threatened their partnership and worried their fans. But now, Julia said, "I am very much proud and happy to say that Josh and I are stronger than ever, and we became wiser, and we made better choices and decisions."


Kamakailan ay dumaan sa matinding pagsubok ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto, o JoshLia, nang masangkot ang young actor sa pagme-message diumano sa Instagram sa isang non-showbiz girl. 

Ngunit ngayon ay maayos na ang dalawa at matagumpay nang nalagpasan ang naturang problema.

Sa Instagram post nga ni Julia ng isang sweet na larawan nila ni Joshua noong April 22, ang caption na nakasulat ay “After a storm comes a calm.”

After a storm comes a calm.

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Tila patunay ito na anumang hindi magandang pinagdaanan ng dalawa ay parte na lamang ng nakaraan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Julia sa 49th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc., sa Resorts World Manila noong May 20, sinabi ng young actress ang pagsubok na pinagdaanan nila ni Joshua ay higit na nagpatatag sa kanila.

Aniya, “You know, it’s true when people say that there’s no such this as perfect.

"Sometimes the only way to grow stronger and better is when you really go through some storms in life, some obstacles in life.

"I am very much proud and happy to say that Josh and I are stronger than ever, and we became wiser, and we made better choices and decisions."

Patuloy ni Julia, “We were so blessed, parang nakakahiya naman sa Diyos na puro reklamo at puro kalungkutan na lang.

"At some point, pasalamat tayo we’re so blessed with so many things to be happy about and very much thankful for.”

Sa interview naman kay Julia sa Tonight With Boy Abunda, nabanggit nitong nag-e-exert ng extra effort si Joshua para muling makuha ang kanyang tiwala.

Sa aming interview, sinabi ni Julia na natutunan nilang mas gawin pang pribado ang ilang bagay tungkol sa kanila. 

“One thing I also very much learned from what happened is that it’s also good and healthy to keep a certain amount of privacy for the two of us, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi pag may masayang nangyayari, it’s nice to share it, 'tapos pag may nangyayaring hindi maganda, pinagpipiyestahan 'tapos kinatutuwaan pa ng iba.

“Now, it’s like whatever we gonna go through—may it be a happy moment or a sad moment—we’re happy that we’re learning now to handle it in private, in closed doors."

Bagamat matagal nang napapabalitang may relasyon ang dalawa, hindi pa umaamin nang diretsahan sina Julia at Joshua kung sila ay mag-boyfriend at girlfriend na.

Ayon pa kay Julia, kahit minsan ay hindi niya pinagdudahan ang pagmamahal sa kanya ng ka-love team.

“I feel like whatever happens, I never doubted for a second his love for me so love conquers, love wins.”

NEW MOVIE. Sa ngayon ay tinatapos ng dalawa ang pelikulang I Love You, Hater kung saan makakasama ng JoshLia si Kris Aquino.

Tinanong namin si Julia kung hindi ba siya nape-pressure o kinakabahan na dapat ay maging successful din ang pelikula nilang ito pagkatapos ng tagumpay ng Unexpectdely Yours, kung saan kasama naman nila sina Sharon Cuneta at Robin Padilla.

Sagot ng dalaga, “It’s reallly refreshing to wok with someone who is honest, real, and very generous.

“Pressure? I think every time we’re recognized and appreciated, I feel like it really does something to us and inspires us even more.

“It encourages us even more to work harder and to make our supporters really proud.”

MOST POPULAR LOVE TEAM. Itinanghal ang JoshLia bilang Most Popular Love Team of Movies and TV sa 49th Box Office Entertainment Awards.

Ayon kay Julia, hanggang ngayon ay overwhelmed pa rin siya sa tuwing binibigyan sila ng ganitong klaseng parangal.

“Hindi pa rin kami sanay, nakakahiya talaga,” sabi ni Julia.

“Of course, very thankful, nakaka-overwhelm pa rin yung feeling.

“You never really get used to that feeling when you are up there on stage and you wanna thank so much people and you feel like you’re so pressed for time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But we’re so overwhelmed, we’re so thankful, feels so good to really be appreciated.

"I say it all the time, it’s one of the best feelings in the world, just being appreciated."

Dagdag pa ni Julia, “Malaking parte talaga dito ang Star Cinema, we’re very, very thankful for Tita Malou [Santos], to Inang [Olivia Lamasan], the whole Star Creatives, Star Cinema, Star Magic na naniniwala, nagtitiwala, at tumulong na matupad ang mga pangarap namin.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN