Joshua Garcia still hasn't talked to Julia Barretto's father, Dennis Padilla

IMAGE Julia Barretto Instagram

Joshua Garcia says he hasn't had a chance to talk to Julia Barretto's dad, actor Dennis Padilla, after third-party issue. The JoshLia love team recently overcame the intrigue and are now busy shooting their new movie.


Inamin ni Joshua Garcia na hindi pa sila nagkakausap ng ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla.

Nang pumutok ang isyung nag-uugnay kay Joshua sa isang non-showbiz girl, na diumano’y nakapalitan niya ng direct messages sa Instagram, na-interview at hiningan ng pahayag si Dennis.

Nagsalita ang komedyante na bilang isang ama ay nasaktan siya sa nangyari, at kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto niyang makausap nang lalaki sa lalaki si Joshua.

Ngunit ngayong naayos na ang problema nina Joshua at Julia, may mga nagtatanong kung nakausap ng young actor si Dennis.


Stories We Are Tracking

Dennis Padilla admits being disappointed with Joshua Garcia
Dennis Padilla admits being disappointed with Joshua Garcia

Ito ang inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News nang makausap namin si Joshua sa 49th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc., sa Resorts World Manila, noong May 20.

Hindi pa raw nagku-krus ang landas nina Joshua at Dennis, at hindi pa rin sila nagkakausap, ngunit bukas naman daw ang batang aktor ukol dito. 

Ayon sa Kapamilya actor, "Oo naman, open ako, pero alam naman natin na marami kaming ginagawa.

"Wala na kaming ASAP, actually Linggo na lang ang araw namin, kaya lang kailangan nasa ASAP kami."

ON KRIS AQUINO. Ginagawa ngayon ng tambalang JoshLia ang pelikulang I Love You, Hater, kung saan kasama nila ang nagbabalik-Star Cinema na si Kris Aquino.

Ang hiling lang daw ni Joshua ngayon ay ma-meet nila ang deadline ng kanilang pelikula na may playdate nang June 13.

Sabi niya, “Actually nga, ipinagpe-pray ko lang na sana matapos namin agad yung pelikula, na makapag-dubbing kami agad, na maging tama ang lahat sa oras para maipalabas din namin sa oras.”

Kumusta naman bilang co-star si Kris?

Ayon kay Joshua, “Grabe, napakabait niya sa amin.

“Talagang binibigyan niya kami ng maraming pagkain... caring, napaka-caring niya sa amin.”

Kilalang generous si Kris sa mga taong nakakatrabaho at nagiging malapit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naibalita rito sa PEP.ph na pinangakuan ni Kris ang JoshLia ng libreng ticket papuntang New York City kung mag-hit ang I Love You, Hater. 

Kinumpirma naman ito ni Joshua.

Aniya, “Oo, pag nag-hit yung movie, yun ang promise niya sa amin.”

THANKFUL. Kinilala bilang Most Popular Love Team of Movies and TV ang JoshLia sa 49th Box Office Entertainment Awards.

Sa aming interview ay inisa-isang pasalamatan ni Joshua ang mga taong nakalimutan niyang banggitin noong tinanggap nila ang award.

Aniya, “Hindi kami masyadong nakapagpasalamat dahil natetensiyon na kami, kinakabahan na kami.

“Gusto lang naming magpasalamt sa Guillermo, maraming-maraming salamat po sa award na ito.

“Maraming salamat sa Star Cinema, sa pagtitiwala sa amin, sa patuloy na pagbibigay ng mga magagandang pelikula sa amin.

“Maraming salamat din sa Star Magic sa pag-aalaga sa amin.

"Thank you rin po sa mga inspirasyon namin sa buhay, sa pamilya namin, fans at ang isa’t isa.

“Isang achievement na naman ito sa aming dalawa.”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN