Cristine Reyes dodges question on status of relationship with husband Ali Khatibi

IMAGE Screengrab from ABS-CBN News

"Ayaw ko sanang magpa-interview," Cristine Reyes tells entertainment reporters who asked for her statement on rumored relationship problem with husband Ali Khatibi.


Naging mailap si Cristine Reyes sa reporters nang dumalo siya sa 49th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards noong Linggo, May 20.

Dumalo si Cristine para tanggapin ang Movie Supporting Actress of the Year award niya para sa pelikulang Seven Sundays.

Sa video na ini-upload ng ABS-CBN News, makikitang sa umpisa pa lang ay tila hindi na kumportable si Cristine sa pagsalubong sa kanya ng press.

Tanong pa niya sa mga ito, “Ambush? Ayaw ko sanang magpa-interview.”

Gayunman, sinagot niya ang mga tanong tungkol sa iginawad na parangal sa kanya bilang aktres.

Subalit unti-unti na siyang lumakad papalayo nang tanungin ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe ang reaksiyon niya sa bali-balitang problema sa pagitan nila ng kanyang asawa na si Ali Khatibi.

Tanong ni MJ, “Ano ang masasabi mo with everything that's coming out right now about you?”

Patanong na tugon naman ni Cristine, “Sorry?”

Tanong ulit ng reporter, “Sa isyung lumalabas sa 'yo ngayon, what do you wanna say?”

Paiwas na sagot ni Cristine, “Haha, 'maya na lang,” sabay lakad papalayo sa reporters.

Umugong ang balita tungkol diumano'y problema sa kanilang mag-asawa nang mag-post si Cristine ng panalangin para sa relasyon nila ni Ali Khatibi.

“Dear God, I pray for my marriage right now.

"Please guard my relationship with my husband and protect us against elements that tempt or taunt us to ruin what we have.

“Convict our hearts when we are wrong or un-righteous, fill us with a passion to get better and bless us with a deep love for each other in Jesus name AMEN.”

Agad namang nilinaw ng aktres na walang ibang kahulugan ang kanyang Instagram post.

Aniya, “Actually, I just got it [IG post] from Pinterest, so parang... I don’t know why people made a big deal out of it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pahayag na ito ni Cristine, patuloy ang usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon. Lalo pa't marami ang nakakapansing hindi na nagpu-post ang aktres ng larawan kasama si Ali.

Madalas ay mga masasayang larawan niya kasama ang anak na si Amarah ang ipinu-post ni Cristine.

Ikinasal sina Cristine at Ali noong January 2016.


Stories We Are Tracking

Cristine Reyes prays for her marriage with Ali Khatibi
Cristine Reyes prays for her marriage with Ali Khatibi
Cristine Reyes denies her marriage is on the rocks
Cristine Reyes denies her marriage is on the rocks


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN